CHAPTER 2

22.9K 725 156
                                    

CHAPTER 2





"OH Rosi, maghintay ka muna 'dyan hangga't hindi pa natatapos ang bigayan. Gusto ka raw makausap ni Mayor mamaya," Wika ng kapitan ng baranggay namin.




Nakakunot ang aking noo nang tumango ako at naupo muli sa isa sa mga monoblocks.




"Rosi, mauna na 'ko. Magsasaing pa ako sa bahay," Paalam ni Puresa.




"Sabihin mo kila mama susunod agad ako." Bilin ko, tumango siya bago tumalikod at naglakad palayo.






Sisipol-sipol ako habang tinatanaw ang mga tao na maayos na nakapila para sa bigayan ng relief goods.






Mahigit kalahating oras rin siguro akong naghintay bago tuluyang matapos ang bigayan.






"Rosi, tawag ka na. Punta ka lang sa loob ng opisina ni kapitan." Utos ni kagawad Susan.






Nakangiti akong tumango sa kanya bago nagtungo sa opisina ni kapitan habang bitbit ang dalawang box ng relief goods.






Sa labas pa lang ay may mga nakabantay na na mga matatangkad at malalaking katawan na mga lalaki. Puro pormal ang mga suot at parang dadalo ng kasal.






"Anong kailangan mo?" Tanong ng isa, tinuro ko ang pintuan ng opisina ni Kapitan.






"Pinapatawag ako ni kapitan." Sagot ko. Kinilatis nila ang aking mukha at tinignan ako na parang nagdududa pa sila.






"Ilaw ba si Rosi?" Tanong muli nito. Tumango-tango ako, mukha namang nakuha na nila ang gusto nilang sagot kaya kumatok ito sa pintuan at pagkatapos ay binuksan.






Sinenyasan nila akong pumasok na kaya pumasok na ako habang bitbit-bitbit pa rin ang dalawang box na may kabigatan.






Paniguradong mag-uulam na naman ako ng iba't-ibang luto ng sardinas sa buong linggo.






Tumayo agad si Kapitan at iminuwestro ang upuan sa kanyang harapan, nakatalikod sa akin ang isang lalaki na paniguradong si mayor.






Tindig pa lang at paraan ng pag-upo ay kagalang-galang na. Tila walang dungis ang imahe at nanggaling sa maayos at mayamang pamilya. Sana all, mayor.






"Maupo ka muna, kanina ka pa hinihintay ni Mayor." Aniya.






Naglakad ako patungo roon, nagtama ang mata namin ni mayor at katulad kanina ay may kakaiba akong naramdaman.






Pamilyar na pamilyar sa akin ang pagkatao niya at tila parang hindi ito ang unang beses namin na pagkikita.






"Magandang umaga po," bati ko.






Ngumiti siya kaya bahagyang lumitaw ang kanyang mapuputing ngipin.






"Sit," utos niya.






Naupo ako katulad ng sinabi niya. "Mayor, maiwan ko na kayo." Paalam ni kapitan.






Kumunot ang aking noo dahil ang akala ko ay si kapitan ang may kailangan sa akin.






Magsasalita pa sana ako nang bigla itong lumabas at sinara ang pintuan.






Wala akong nagawa kung hindi ang manahimik at indahin ang mabigat na awra niya na ramdam na ramdam ko kung paano tumitig sa akin.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now