CHAPTER 14

16.9K 625 22
                                    

CHAPTER 14





"ANAK!" Agad kong sinalubong si mama ng yakap nang makapasok sila sa bahay.




Nasa likod sila kuya Arman at papa kaya napakunot ang aking noo nang makitang wala sila kuya Arnie at kuya Arnel.




"Hindi pa rin po ba maganda ang kalagayan nila kuya Arnie?" Tanong ko.




Iginaya ko sila paupo sa sofa ng living room, "Hindi pa rin, mabuti na lang at nandoon si Puresa. Pinagbantay muna namin sa hospital." Tugon ni papa.




"Ibig sabihin po ay walang tao sa bahay?" Pag-uusisa ko.




"Hindi mo pa nga pala alam, pansamantalang tumutuloy sila Fiona sa bahay natin. Pinalayas sila ni kagawad Roberto doon sa inuupahan nila dahil hindi raw nakakabayad." Paliwanag ni mama.





Nanlaki ang aking mata, "Hindi ba't parte ng lupa natin yung kinatitirikan ng bahay nila aling Fiona? Wala silang karapatang magpaalis." Tugon ko.




"Pinaliwanag na namin kila Kapitan, ang kaso, iniipit ni kagawad Roberto sila Puresa dahil sa nangyari kay Emma." Si kuya Arman ang sumagot.




"Anong sabi ni mang Fidel? Makakauwi raw ba para tulungan sila aling Fiona?" Tanong ko.




Umiling si papa, "Hindi raw, mahihirapan raw siyang makauwi ngayong buwan dahil gipitan sa planta ng pinagtatrabahuhan niya. Kaya nga nakiusap sa amin para patuluyin muna kahit pansamantala." Paliwanag niya.




"Walang kaso yung pagtira sa bahay, ang kaso doon ay maraming kapit si kagawad Roberto. Baka mamaya ay madamay tayo," Ani mama.




Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at nag-isip ng paraan para maibalik kila Puresa ang lupa.




"Kumain na muna tayo, kakausapin ko na lang si mayor para matulungan tayo." Pag-aaya ko.




Tumango lamang sila bago ako sundan papuntang dining area.




Papasok pa lang kami ay humalimuyak na ang mabangong mga putahe na nakahain sa lamesa. May lamang dagat ngunit mas lamang ang karne sa iba't-ibang luto.




"Papabaunan ko kayo mamaya para makakain rin sila aling Fiona tsaka sila kuya." Wika ko.




"Ang sarap pala ng pagkain mo dito, 'nak. Unlimited." Ani papa habang sinisipat ng tingin ang mga putahe.




"Kakausapin ko sila Gallier para padalhan kayo araw-araw." Sagot ko, nag-thumbs up lang si papa sa akin bago maupo sa upuan.




Ganoon din si mama at kuya Arman.




"Swerte ni bunso, instant yaman." Wika ni kuya Arman. Tumawa lamang ako bilang sagot.




Maagang umalis si Klaus kanina para magtungo sa Munisipyo.




Aasikasuhin raw niya ang mga nasunugan malapit doon kaya kailangan niyang umalis ng maaga.




"Teka, nakilala mo na ba ang totoo mong pamilya?" Tanong ni mama sa akin.




Normal na lang para sa akin ang ganitong usapan dahil tanggap ko naman ang lahat at wala akong kahit anong galit para sa kanila dahil tinago nila sa akin ang totoo. Sa halip ay malaki pa ang pasasalamat ko sa kanila dahil nagkaroon ako ng bagong pamilya.




PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon