CHAPTER 30

18.6K 502 83
                                    

A/N: Back to the present. :))







CHAPTER 30






IMINULAT ko ang aking mata at unang bumungad sa akin ay ang nakakasilaw na puting ilaw na nagmumula sa kisame.






Nakarinig ako ng mga boses ngunit ang tanging nangingibabaw sa akin ay ang boses ni Klaus na punong-puno ng pag-aalala.






"Anong nararamdaman mo?" Tanong niya.






Unti-unting luminaw ang aking mata at bumungad sa akin ang kanyang mukha na tila walang tulog, "K-Klaus..." Nakaramdam ako ng kirot sa aking likod nang bahagya akong gumalaw.






"Don't move, you're still wounded." Aniya.







Pinakatitigan ko ang kanyang mukha at isa-isang bumalik sa alaala ko ang lahat ng pinagdaanan ko bago ako mawalan ng alaala noon at mapunta kila mama at papa.








"You're two days unconscious, your family came here yesterday to visit you. They're worried but I said that you'll be fine soon." Kwento niya.







Pumatak ang luha sa aking mata habang inaalala ang lahat ng naranasan ko noon.







"I-Iwan mo muna 'ko," pakiusap ko.







"What?" Nagtataka siyang tinignan ako.







"Please, Klaus. Iwan mo muna ako," Pag-uulit ko.







Bumuntong hininga siya at hinawakan ang aking kamay, "okay. If you need me, I'm outside." Aniya bago dumukwang upang halikan ang aking noo habang may ngiti sa kanyang labi.







Nang makalabas siya ay isa-isang bumagsak ang luha sa aking pisnge, naupo ako at tiniis ang kirot sa aking likuran.







Napahawak ako sa aking ulo, gulong-gulo ako at hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko.








Kaya pala wala akong maalala na kahit ano sa naging buhay ni Amber kasama si Klaus dahil wala naman akong aalalahanin. Dahil hindi naman ako siya.






Hindi ako yung babaeng minahal niya.






Lumipas ang mga oras at dumating sila mama, wala pa rin akong imik at sa tuwing pipilitin ko ang sarili kong magsalita ay tila may sariling buhay ang dila ko at nagkakandautal-utal.






"Rosi, sigurado ka bang ayos ka lang talaga?" Paninigurado ni mama.






Tumingin ako sa kanya at naglakas ako ng loob na magsalita.






"Christine," wika ko.






Kita ko ang gulat sa mata nila at miski sila kuya ay napatingin sa akin na tila may binanggit akong isang sekreto na dapat manatiling nakatago.






"Nakakaalala ka na?" Tanong ni kuya Arnel.






Naupo ako at pinigilan ang mapangiwi sa hapdi ng likod ko.






"Kung ganoon alam niyo ang lahat?" Tanong ko.






Lumapit si mama at hinawakan ang aking kamay, "R-Rosi, anak... Makinig k-ka kay mama, n-nilihim namin sa'yo para na rin sa kali——" Agad kong pinutol ang sasabihin niya.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now