CHAPTER 24

15.9K 453 24
                                    

narsssss tanginaka, ka ito na.






CHAPTER 24






"MA'AM, ubos na po yung stock natin ng mga karne." Wika ng isang kasambahay habang nasa kusina ako at nag-iisip ng pwedeng ihanda mamaya sa hapunan.






Sinama ni Klaus si Kris sa munisipyo dahil baka nabuburyo na dito si Kris, ilang araw na rin siyang hindi nakakalabas ng bahay dahil nga ayaw pa rin akong palabasin ni Klaus kahit sinabi ni kuya Luther na pwede na.






"Ganoon ba? Sige ako na lang ang pupunta ng grocery store para bumili." Tugon ko.






"Nako, ma'am, hindi po pwede. Pagagalitan ho kami ni mayor kapag pinalabas ka namin." Sagot niya.






Ngumiti ako at umiling, "Akong bahala sa inyo, tatawagan ko na lang si Klaus para magpaalam. Tsaka isa pa, ligtas na naman akong lumabas kaya siguradong hindi 'yon magagalit ng sobra." Paliwanag ko.






Nagmatigas sila, "Nako, ma'am, pasensya na po. Hindi po talaga namin kayo mapapayagan, kami po ang malalagot kay mayor." Aniya.






Bumuntong hininga ako, "Sige tatawagan ko na lang siya para makasiguro." Wika ko.






"Sige po, ma'am." Aniya.






Naglakad ako papuntang sala kung nasaan nakalagay ang telepono at Directory book kung saan nakalagay ang mga numero na pwede kong tawagan. Mula sa munisipyo hanggang sa mga bahay-bahay ng bawat kaibigan ni Klaus ay nakalagay doon.






Dinial ko ang numero ng opisina ni Klaus sa munisipyo at wala pang ilang ring ay sumagot na ito, "Good morning, this is Mayor's office... How may I help you?" Boses ng isang babae ang sumagor na paniguradong sekretarya niya.






"Uhm, nandyan ba si Mayor?" Tanong ko.






"May I know your name, ma'am?" Tanong niya.






"Amber." Pakilala ko.






Ramdam kong natigilan siya, "Ma'am Amber, pasensya na po. Sandali po at ico-connect ko kay mayor." Ilang segundong nawala ang linya at pagbalik ay boses na ni Klaus ang naririnig ko.






"Good morning, is there something happened?" Bungad niya.






"Wala naman, gusto ko lang magpaalam." Direktang wika ko.






"What is it?"






"Pwede bang ako na lang ang pumunta ng Grocery para bumili ng mga groce——" Hindi pa man din ako nakakatapos sa pagsasalita ay mabilis niyang pinutol ang sasabihin ko.






"Amber, no." Aniya.






"Amber, yes." Panggagaya ko sa kanya.






"Saglit lang naman 'yon at may mga kasama naman akong body guards. Tsaka 'di ba? Sabi naman ni kuya Luther ay ligtas na akong lumabas, ikaw lang naman ang over protective 'dyan." Dugtong ko pa.






"Still, it's a no. You know how dangerous for you to go outside with m——"






"Hindi naman ako mag-isa, may kasama ako 'di ba? Yung mga body guards. Gusto ko lang naman kasing lumabas muna kahit sandali," pagmamakaawa ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now