CHAPTER 23

16.3K 492 29
                                    

CHAPTER 23




"IS IT REALLY SAFE?" Paninigurado ni Klaus habang kausap si kuya Luther.







Nandito sila sa bahay dahil may pinag-usapan sila tungkol sa negosyo na pareho nilang hawak.







"Yes, I got a news from Trius. It is now safe for her to go out but make sure that she have an accompany in case something happen." Paliwanag ni kuya Luther, tumingin kao kay Klaus upang makita ang reaksyon niya ngunit puno pa rin ng pangamba ang kanyang mata.






"But still, I will forbid you to go out. I won't be careless again, hindi natin alam kung ano ang takbo ng utak ni Cortez. He might be silent but he's dangerous." Tugon ni Klaus.






Tumango na lamang ako at sumang-ayon, para rin naman sa akin ang gustong mangyari ni Klaus, para sa kaligtasan ko.






Gusto ko pa rin naman makasama ng matagal si Klaus at lalo na si Kris kaya mas makakabuti nga na sumunod na lamang ako sa kung anong gusto niyang gawin upang protektahan ako.






"Alright, I only went here for that. I'm gonna go now," tumayo si kuya Luther at tinanguan lamang si Klaus.






Pagkatapos ay bahagya pa niyang ginulo ang aking buhok bago lumabas ng bahay.






Nasa kwarto niya si Kris at busy na paglalaro ng video games, nang kami na lamang ni Klaus ang natira sa sala ay naupo ako sa kanyang tabi.






"Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" Tanong ko.






Lumingon siya sa akin at bahagyang ngumiti, "Yes, please?"






Ngumiti ako pabalik at tumayo, nagtungo ako ng kusina upang ipagtimpla siya ng kape ngunit nadatnan ko ang mga kasambahay na may dala-dalang mga basket ng labahan.






"Oh, hindi ba noong nakaraan pa 'yan?" Pag-uusisa ko sa mga bitbit nila na basket na ang mga laman ay mga comforter at bed sheets pa.






Napayuko ang dalawang kasambahay, "Opo, Ma'am. Nasira po kase yung washing machine kaya ngayon lang namin malalabhan." Tugon ng isa.






Napakunot ang aking noo, "Hindi ba't dapat ay day-off niyo ngayon?" Tanong ko.






"Opo, ma'am." Sabay nilang sagot.






Ngumiti ako at lumapit, tinapik ko ang kanilang balikat. "Pakilagay na lang 'yan sa Laundry area, ako na ang maglalaba. Pagkatapos ay umalis na kayo para maenjoy niyo yung day-off niyo." Utos ko.






Sabay silang nagulat at hindi sumang-ayon, "Nako, ma'am... Hindi na po, kami na lang po ang gagawa. Tutal naman ay may may day-off pa kami sa miyerkules kaya kahit hindi na kami umal——" agad ko siyang pinutol sa pagsasalita.






"Hindi, dapat ay sulitin niyo ang day-off niyo. Nakita ko sa internet kanina, sale raw sa mall. Pumunta kayo doon at mag-enjoy, sige na at dalhin niyo na 'yan sa likod pagkatapos ay hintayin niyo ko dito bago kayo umalis." Isang beses pa muli akong ngumiti bago talikuran sila at magtungo sa counter.






Nagtimpla ako ng kape na na-aayon sa panlasa ni Klaus at pagkatapos ay dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kusina upang ibigay kay Klaus ang kape niya.






Nadatnan ko siyang nanonood ng TV habang nakapatong pa ang dalawang paa sa center table, "Ito na," wika ko.






Ngumiti siya bago higitin ako paupo sa kanyang tabi, "Klaus," Tawag pansin ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon