CHAPTER 21

16.9K 520 13
                                    

CHAPTER 21







ILANG gabi na akong walang maayos na tulog dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari noong isang araw pagkatapos naming kumain ng barbeque nila Klaus at Kris.






Nanaginip ako kinagabihan no'n at ang mas malala ay hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyari sa panaginip ko.






Nasa isang sulok ako at kahit anong pilit kong galaw ay hindi ko maikilos ang lahat ng parte ng katawan ko, pakiramdam ko ay nakatali ang buong katawan ko at kahit anong sigaw ang gawin ko ay walang boses ang lumalabas sa aking bibig.






Ngunit ang mas nakakapagtaka ay nakita ko ang isang babae na nakahandusay sa sahig habang nakatayo ang isang matangkad na lalaki sa pintuan, hindi ko makita ang kanyang buong mukha dahil madalim sa kanyang kinatatayuan ngunit ang kitang-kita ko ang nakakasilaw na ngisi sa kanyang labi.






Nakakapangilabot at ang mas nakapagbigay sa akin ng takot ay ang kanyang hawak na kutsilyo na punong-puno ng dugo.






Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa nakahigang babae na halos naghihingalo na sa dami ng dugo ay halos hindi ko na makilala ang mukha.






Pilit itong umatras ng umatras sa tuwing hahakbang ang lalaki papalapit sa kanya hanggang sa dumikit ang kanyang likod sa pader. Pilit akong kumakawala sa pagkakatali ko ngunit kahit anong piglas ko upang tulungan ang babae ay hindi ako makakilos.






Kahit ang pagsigaw na pilit kong ginagawa ay walang bisa dahil walang kahit isang maliit na boses ang lumalabas sa aking bibig.






Inangat ng lalaki ang kanyang kamay hanggang sa wala akong nagawa nang pagsasaksakin niya ng kutsilyo ang babae sa tyan, natigilan ako habang wala akong magawa kung hindi ang panoorin lamang ang walang awang pagsaksak sa babae.






Sa pagkakataon na 'yon ay tunog ng nakakapangilabot na tawa na lamang ng lalaki ang aking naririnig at ang daing buhat ng sakit na dulot ng matulis na kutsilyo na pauulit-ulit na bumabaon sa tyan ng walang kalaban-labang babae.






"Amber," Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang pagtawag ni Klaus sa aking pangalan.






Agad akong umayos ng upo upang ipakita sa kanya na ayos lamang ako.






"Are you really fine? You're spacing out lately." Aniya.






Nagpilit ako ng ngiti bago sumagot, "Ayos lang ako, medyo masakit lang ang puson ko." Palusot ko.






Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking tyan, "Really? Do you need something? I heard from Max that everytime Pilar is having her monthly period, it's really painful so he's giving her a massage. Do you want me to do it to you?" Pag-uusisa niya.






Tumawa ako at sumandal sa kanyang dibdib, "Hindi na, kaya ko namang tiisin. 'Wag ka nang mag-alala." Tugon ko.






Tumango siya at hinalikan ang aking noo, "Okay, but tell me if it got worsen. I'll buy a hot compress to me you feel better." Wika niya, ngumiti ako at tumango-tango.






Umayos ako ng upo sa sofa kaya kumuha si Klaus ng cheese ball sa center table at pinakain sa akin, pinapanood naming maglaro si Kris sa TV.






Yun bang puro zombie ang kalaban at hinahabol ka upang kainin. Kung ako ang naglalaro ay kanina pa ako tili ng tili dahil sa takot at gulat sa tuwing may zombie na darating ngunit si Kris ay kalmadong-kalmado at tila alam ang dapat gawin sa tuwing makakatagpo ng isa.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon