CHAPTER 6

19.8K 635 22
                                    

CHAPTER 6





"IBIG SABIHIN totoo ang sinasabi nila?" Tanong ko kila mama.





Sabay silang nag-iwas ng tingin, nandito kami sa opisina ni kapitan dahil ang sabi ni mayor ay kailangan naming lahat na mag-usap sa pribadong lugar.





"Ma, pa, totoo ba?" Pag-uulit ko sa aking tanong.





"They can't answer because it's true. They lied to you, kung una pa lang ay sinabi na nila sa pulis na nakita ka nila ay hindi na sana mangyayari 't——" Agad kong pinutol ang sasabihin ni kuya Jegudiel.





Sinabi kase nila na mas matanda sila sa akin ng sampung taon kaya tawagin ko silang kuya maliban kay Mayor na hindi ko pa rin maintindihan kung paano kami ikinasal noon. Parang may mali.





"Wala akong pake," Mabilis na tugon ko. Napatingin silang lahat sa akin na parang nagulat at nagtaka.





"What?" Tanong ni kuya Maximo.





"Kung sakaling nagsinungaling man sila sa akin, wala na 'kong pake alam pa doon." Mabilis na sagot ko.





"Sila na ang pamilya ko ngayon at hindi ko ipagpapalit 'yon sa dati kong buhay." Dugtong ko pa, tumingin sila sa akin na parang nainis at hindi nagustuhan ang aking sinabi ngunit si mama ay naiyak.





"You got to be kidding me, Amber. You can't live a life like this." Tugon ni kuya Lazarus, mapakla akong tumawa at umiling.





"Maglilimang taon na po akong nasasanay sa ganitong klaseng pamumuhay, kung ano man ang hindi ko kayang gawin sa ngayon, 'yun ay ang bumalik sa dating ako na sinasabi niyo." Wika ko, umismid sila at tila hindi sang-ayon sa gusto kong gawin.





"Then what about your husband? Are you just gonna leave him like this?" Tanong naman ni kuya Lazarus.





Sinipat ko ng tingin si Mayor na nakikipag-usap kila kapitan sa labas upang hindi kumalat ang lahat ng narinig nila kanina.





Nakaharap siya sa amin habanh nakangiting nakikipag-usap kila Kapitan at kagawad Susan.





Ngunit ang kanyang mata ay hindi maipagkakailang punong-puno ng emosyon. naniningkit 'yon at tila nagsusumigaw ng kalungkutan.





"H-Hindi ko nga talaga maalala," wika ko.






Kahit anong pilit ko sa nakaraan ko ay wala talaga akong maalala, ang huling natatandaan ko lang ay nagising akong wala ng maalala noon.





"We'll do everything to know what happened before, if why did you end up having no memories with us." Tugon ni kuya Maximo at hinawakan ang aking balikat.





"And if you want to stay here with them, we won't force you to come with us. It's your decision and we can't do anything about that, even your husband." Dugtong niya pa sabay lingon rin kay mayor.






"What? Paano kung may mangyaring masama sa kanya dito?" Tanong ni kuya Jegudiel.






"Siya na mismo ang nagsabi, she lived peacefully here for the passed years. If she wants to stay here, then let her. It's up to her." Sagot ni kuya Lazarus sa kanya.






Magsasalita pa sana si kuya Jegudiel nang biglang may kumalabog sa labas.






"Nasaan sila mama?" Natataranta ang boses ni kuya Arnel at Arnie nang makapasok sa opisina ni Kapitan.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now