CHAPTER 10

18.5K 507 11
                                    

CHAPTER 10





"K-KUYA, someone is following me!" Wika ko.




I heard him laughed in disbelief, "Amber, please stop... I'm tired of your actin——" I instantly cut him off.




"No! I'm not acting, please believe me this time! Someone is following me and I don't know what I'm gonna d——"




"I'm hanging up." Pagkatapos ay naputol ang tawag.






NAPABALIKWAS ako ng bangon nang mapanaginipan ko ang kakaibang pangyayari.





Pawis na pawis ako at nanginginig ang buong katawan sa sobrang kaba.





"Amber, ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang boses ni ate Pilar, may hawak siyang susi at nagmamadaling nagtungo sa kama kung saan ako nakatulog.





"Manang, pakuha naman ng tubig." Ni-hindi ko napansin na kasama pala ni ate Pilar ang mga kasambahay at ang dalawa niyang anak.





Kumuha siya ng malinis na bimpo sa may closet at nagtungo sa akin upang punasan ang mukha ko na kasalukuyang basang-basa ng pawis.





"Ito na..." Inabot ni manang Dory ang tubig sa akin.





"Salamat po," Wika ko.





Nilagok ko agad ang tubig na nasa baso, pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako dahil sa sobrang hingal.





"Narinig ni Gloria na umuungol ka raw at parang binabangungot kaya tinawag niya agad ako." Paliwanag ni ate Pilar.





Napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang takot. Napansin siguro ni ate Pilar na wala akong balak magsalita dahil maraming tao.





"Lumabas muna kayo," utos ni ate Pilar sa kanila.





Nang kami na lang dalawa ang nasa loob ng kwarto ay hinawakan niya ang kamay ko, "Ayos ka lang ba? Gusto mo bang tawagan ko si mayor?" Tanong niya sa akin, agad akong umiling.





"H-Hindi na." Tugon ko.





"Kaya mo bang magkwento? Kung hindi mo kaya ay ayos lang, ang mahalaga ay nagising ka. Kinabahan ako, ang akala ko ay binabangungot ka na." Wika niya.





"N-Nanaginip ako, ate. P-Pakiramdam ko totoo, may h-humahabol sa akin at hindi ko alam kung sino." Pagkukwento ko, ginamit niya ang tali na nakalagay sa pulsuhan niya at tinali ang buhok ko.





"Sige lang, magkwento ka lang para gumaan ang pakiramdam mo. Makikinig ako," Aniya.





Biglang bumuhos ang luha galing sa mata ko, "M-Mag-isa lang ako, ate... H-Humihingi ako ng tulong pero w-walang nakarinig sa akin. N-Natatakot ako, ate. Parang t-totoo..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin, hinagod niya ang likod ko upang pakalmahin ako.





"Sige lang, ilabas mo lang... Makikinig ako," Tugon niya.





"H-Hindi ko makita yung mukha nung lalaki pero sinabi niya papatayin niya a-ako... S-Sasaktan niya yung mga tao sa paligid ko kapag nagsumbong ako. N-Natatakot ako, pakiramdam ko ay totoong-totoo." Dugtong ko pa, pati ang pagtibok ng puso ko ay wala sa ayos.





Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang boses ng lalaking hiningan ko ng tulong sa telepono, hindi ko makilala ngunit sigurado ko sa sarili ko na parte 'yon ng ala-ala ko.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now