CHAPTER 28

16.7K 451 85
                                    

A/N: Still in the past but fast forward in years.





CHAPTER 28






"DALHIN natin sa States si Amber." Nagtago ako sa likuran ng counter sa kusina nang marinig ko ang boses ng mama nila Amber.






Nasa kalagitnaan ng gabi nang makaramdam ako ng uhaw kaya nagtungo ako dito sa kusina ngunit hindi ko alam na gising pa pala ang mama nila at hindi ko kilala kung sino ang kausap niya.






"Hindi na kailangan pang humantong sa gano——" Narinig ko ang boses ni papa na agaran ring pinutol ng kanyang asawa sa pagsasalita.






"Miguelito, buhay at kaligtasan ni Amber ang nakataya dito. Hindi tayo pwedeng magpakasigurado na ligtas siya kahit nandito lang sa loob ng mansyon." Tugon ni tita Rosana.






"Rosana, ginagawa ko ang lahat para malayo si Amber sa kapahamaka——"






"Alam mo kasalanan mo ang lahat ng 'to, kung hindi ka sumali sa punyetang grupo na 'yan. Hindi kami madadamay ng mga anak mo at mas lalong hindi malalagay sa kapahamakan ang buhay ni Amber! Anong gagawin mo kapag nagtagumpay ang mga kaaway mo sa negosyo? Kapag nakuha nila si Amber at totoohanin nila ang lahat ng pananakot nila sa'yo?" Pasigaw ang tono ni tita Rosana.






Napakunot ang aking noo sa aking narinig, hindi ko alam na ganito pala ang kalagayan ni Amber.






"Huwag mong isisi sa akin ang lahat, kung hindi ka nakealam sa negosyo ay hindi tayo malulugi noon at hindi na dapat ako sumali sa grupo nila Alfredo!" Tugon ni papa na pasigaw rin at tila dinedepensahan ang sarili.






"Ano ngayon ang gagawin mo? Paano kapag napahamak si Amber?" Tanong ni tita Rosana.






Napahawak ako sa aking bibig nang dahil sa mga narinig ko.






Ilang sandali silang natahimik at namutawi ang nakakabinging ingay, madilim ang paligid kaya nasisiguro kong hindi nila ako makikita ngunit rinig na rinig ko pa rin naman sila.






"Ang anak mo sa labas." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni tita Rosana.






"Hindi, Rosana. 'Wag mong idadamay si Cristine." Tugon ni papa.






Nakarinig ako ng malakas na pagkabasag ng kung ano, "Anong mas pipiliin mo? Si Amber na dugo't laman nating pareho? O 'yang bwisit na bastarda mo na bunga ng panlolokong ginawa mo sa akin? Mag-isip ka, Miguelito." Utos ni tita, lihim akong nagdasal na sana ay kahit sa panahon na 'to ay ipagtanggol at protektahan ako ni papa ngunit nagkamali ako.






"Anong dapat nating gawin?" Tanong ni papa na halos dumurog sa puso ko.






"Ipapadala natin si Amber sa ibang bansa, doon ay mas ligtas siya at nasisiguro kong mas maalalagaan siya nila mama at papa." Paliwanag ni tita Rosana sa kanya.






"Si Cristine, siya ang magpapanggap na Amber hanggang sa makatungtong si Amber sa wastong edad." Dugtong niya.






Kinuyom ko ang aking kamao, ni-hindi ko mapigilan ang galit ko sa mga narinig ko.






Gusto nila akong gawing manika para ilayo si Amber sa kapahamakan.






"May kakilala ako sa hospital na magaling na Plastic Surgeon, matutulungan nila tayo at kapag sakaling mangyari nga ang kinatatakutan natin. Ligtas si Amber," aniya.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now