CHAPTER 13

17.9K 825 40
                                    

CHAPTER 13




"S-SINO SIYA?" Tanong ko kay mayor nang lumabas mula sa palagay ko ay kusina ang isang lalaking mukhang Japanese.



Nakasuot ng makalumang kasuotan at walang buhok ang ulo.



"I'm Arata Nakamura, miss. Sushi Master from Tokyo, Japan." Kahit barok ang ingles niya ay naintindihan ko naman.




Bahagya pa siyang yumuko kaya yumuko rin ako bilang paggalang.




"You don't need to, you're not Japanese." Bulong ni mayor sa akin.




"Mas matanda siya sa akin, kailangan may paggalang." Tugon ko, napailing siya bago tumingin muli sa matanda.




"Did you prepare the dish?" Tanong niya.




"Yes, sir. I already made the dishes and it is ready to eat." Tugon ng hapon, tumango lamang si mayor sa kanya bago utusan sila Gallier na samahan na muli ang matanda para bumalik ng Japan.




Iginaya niya ako sa malaking dining area, nasa dulong upuan siya at nasa kanan niya naman ako.




Nakalatag sa lamesa ang napakarami at iba't-ibang klaseng mga Sushi.




May hipon, may isang kulay orange, may isdang naka-blush on at ang pinakapaborito ko ay yung kanin na binalot sa papel na green at may maliliit at orange na bilog-bilog sa itaas.




"Do you like it?" Tanong ni mayor habang pinagmamasdan akong kumain.




Nakangiti akong tumango, dahil hindi ako marunong mag-chopstick ay isang piraso lang ang gamit ko at tinutusok ko ang mga sushi para makain na parang fishball.




"You should try to call me by my name, dapat ay masanay ka na." Aniya, tumingin ako sa kanya at nakangiti muling tumango.




May punto ang sinabi niya kaya hindi ako sususuway.




"Ang sarap talaga," Wika ko.




Huminto ako sa pagkain at pinakatitigan ang walang kahirap-hirap niyang pagkuha ng mga sushi gamit ang chopsticks.




Napansin niya ata na nakatitig ako kaya tumingin siya sa akin, "You want me to feed you?" Tanong niya.





Umiling ako, "Naiingit ako, ang galing mong mag-chopstick." Wika ko, bahagya siyang natawa at napailing.




"Move your chair here, I'll teach you." Aniya, siya na mismo ang naghila ng bangkuan ko ng walang kahirap-hirap kahit nakaupo pa ako.





Kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sa akin ang dalawang stick.





"Imagine it as your tongs." Aniya, triny kong kumuha ng sushi ngunit kung hindi nalalaglag ay nadudurog naman.





"Here," Pinakita niya sa akin ng dahan-dahan ang paraan ng paggamit.





Isang subok lang ay maayos niyang naangat ang sushi kaya napangiti ako at agad na sinubukang muli.





Tumawa siya nang mahati ang isda sa dalawa at madurog ang kanin sa ibabaw. Nasobrahan siguro ang pagpisil ko sa chopstick.





"Mouth your mouth," Napatingin ako sa kanya nang itinapat niya sa bibig ko ang isang pirasong sushi gamit ang chopstick niya.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now