CHAPTER 34

21.8K 528 98
                                    

CHAPTER 34





"KLAUS," tawag ko sa kanya.




"Hmm? Do you need anything?" Tanong niya nang lingunin ako. Kabababa niya lang ng cellphone niya dahil tumawag sa kanya si kuya Rem upang kumustahin ang lagay ng bisita namin sa puntod kung saan nakalagay ang abo ni Amber.




Ngayon ang unang beses na mabibisita ko 'to at ngayon rin ang unang beses na magkikita muli kami pagkatapos ng nangyaring aksidente.




"Pwede mo bang kuhanin yung envelop na naiwan ko sa sasakyan?" Tanong ko.




Nandoon ang litrato naming dalawa ni Amber noong bata pa kami, gusto ko lang ilagay upang kahit sa ganitong paraan ay may alaala naming dalawa na makikita ang mga tao.




"Are you fine here?" Tanong niya.




Tumango ako upang siguraduhin sa kanya na ayos lang ako dito kaya nang makasigurado siya ay malalaki ang hakbang niyang naglakad palabas.




Nang ako na lang ang natira ay napansin ko ang bakanteng lalagyan ng cremation jar. Wala itong picture o miski pangalan man lang, ang tanging laman lamang non ay isang kulay silver na jar.




"Dyan kita ilalagay." Halos kilabutan ako nang may nagsalita sa aking likuran.




Nang makaharap ako ay nanlaki ang aking mata nang makita kung sino ang lalaking nagsalita.




Hindi ko inaasahang siya ang taong bubungad sa akin sa pagharap ko.




Nakangisi siya at tila hindi siya ang taong nakilala ko.




"Masaya ka na?" Tanong niya sa mapait na tono.




"I-Ikaw yung..." Bago ko pa matuloy ang sasabihin ko ay humalakhak siya na tila nagbigay ng kilabot sa aking buong sistema.




"Dahil sa'yo, nasira ang buhay ko." Aniya.




Kumunot ang aking noo sa sinabi niya.




"H-Hindi kita maintindih——"




"Talagang hindi! Pero 'wag kang mag-alala, hindi ka pa mamamatay ngayon. Patutulugin lang kita ng saglit..." May inilabas isyang panyo sa kanyang bulsa at dahan-dahang lumapit sa akin, bago pa siya makalapit ay nakatakbo ako ngunit mabilis niyang napatid ang paa ko sanhi ng paglagapak ko sa sahig.




"Tulong! Tulong——" bago pa muli akong makasigaw ay mabilis niyang natakpan ang aking ilong ng panyong hawak niya. Ilang beses kong pinilit na huwag huminga upang hindi ko masinghot ang inilagay niya doon ngunit hindi ko namalayan na unti-unti nang naninikip ang aking dibdib hanggang sa tuluyang nandilim ang aking paningin.




"GISINGIN NIYO NA 'YAN." Naramdaman ko ang malamig na tubig na bumalot sa buong katawan ko.




Nabuhay ang sistema ko at pagmulat ko ng aking mata ay nasa pamilyar na lugar ako.




Nakarinig ako ng halakhak ngunit ang mas nakaka-alarma ay ang taong nakatayo sa harapan ko.




"B-Bakit ikaw pa?" Tanong ko sa kanya.




Kumunot ang kanyang noo.




"Gusto mong malaman kung bakit ako?" Tanong niya.




"Dahil inagaw mo lahat ng meron ako. Lahat ng taong gusto kang makitang walang buhay, lahat sila inagawan mo." Aniya.




"Naaalala mo ang lugar na 'to?" Tanong niya sa akin.




PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now