CHAPTER 11

18.3K 555 20
                                    

CHAPTER 11





"SA MADALING salita, wala kang maalala na kahit ano?" Kahit pa may ngiti sa labi ni ate Joanna ay hindi ko maiwasang kabahan sa tono ng pananalita niya.





Tila ibang tao ang kaharap ko ngayon, kinakabahan akong tumango. Tila napansin niya ang panginginig ng kamay ko kaya hinawakan niya 'yon.





"'Wag kang kabahan, hindi ako nangangagat." Pagbibiro niya at sabay bahagyang tumawa.





"Sige ganito na lang, pumikit ka." Agad kong sinunod ang sinabi niya at pumikit.





"Huminga ka ng malalim tapos pagbilang ko ng tatlo, ilabas mo, okay?" Tumango ako.






Huminga ako ng malalim at katulad ng sinabi niya ay ibinuga ko pagkabanggit niya ng tatlo.






Nakatatlong ulit kami ng ganoon bago siya muling magsalita, "'Wag ka munang didilat." Utos niya sa malamlam na tono.






"Ngayon, isipin mo yung bagay nanakapagpasaya sa'yo." Napakunot ang aking noo nang walang pumasok sa isip ko.






"Ang pamilya ko?" Tanong ko.






Narinig ko siyang bahagyang tumawa, "Yung mga panahon na feeling mo ang saya-saya mo. Yung mga bagay na nakakapag-pagaan ng loob mo at pakiramdam mo ligtas ka." Paliwanag niya.






Biglang uminit ang pisngi ko nang pumasok sa utak ko ang imahe ni mayor.






Epektibo naman dahil biglang gumaan ang pakiramdam ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong kumalma.






"Effective pala, sige dumilat ka na." Pagdilat ko ay nakangiting mukha ni ate Joanna ang sumilay sa akin.






"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.






"Opo." Tugon ko.






"Mabuti naman... Ang sabi mo sa akin kanina, binangungot ka." Aniya, tumango ako bilang sang-ayon.






"Pwede mo bang isa-isahin sa akin yung napanaginipan mo?" Pag-uusisa niya.






Saglit akong nag-isip bago tumango, "H-Hinahabol ako ng lalaki, p-pero hindi ko makita yung mukha. Narinig ko lang ang boses niya pero wala akong maalalang nakita ko yung mukha niya." Kwento ko.






Napatango-tango siya.






"Tapos may tinawagan ako sa cellphone para hingian ng tulong pero binabaan niya ako at hindi pinaniwalaan. Kahit panaginip lang ay pakiramdam ko totoong-totoo, p-parang nangyari talaga sa akin." Paliwanag ko.






Napabuga siya ng hangin at dumekwatro ng upo, napatango-tango muli siya bago ako binalingan ng tingin.






"I'll still check your conditions every week, sasabihan ko rin si kuya Klaus na bawal kang ma-stress at kailangan mo ng new environment dahil nasanay ka sa maingay na lugar na hindi mo naman talaga nakasanayan sa totoo mong buhay bago ka mawalan ng alaala." Aniya.






Tinignan ko siya ng may pagtataka, "Every week po?" Tanong ko.






Ngumiti siya at tumango, "Yup, I still haven't sure of what you're going through but if your dreams was part of your previous life before you lost your memories, I might say that you're suffering from Dissociative Amnesia." Paliwanag niya sa kalagayan ko.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now