CHAPTER 5

20.3K 695 46
                                    

CHAPTER 5






"BAKIT mo tinulak si Emma, Puresa?" Tanong ni Kapitan.






Seryoso ang kanyang mukha at tila walang halong pagbibiro, magsisimula na ang opening ngunit narito siya at kausap kami.






"Tama lang sa kanya 'yon, ay mali... Kulang pa nga," tugon ni Puresa.






Napahilamos ako ng aking mukha at siniko siya ng mahina upang patigilin, "Kap, ako na magpapaliwanag." Sabat ko.






Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina at nakita ko namang kumalma na siya nang makitang nagsasabi ako ng totoo.






"Sige, sumama kayo sa akin pagkatapos ng opening. Ipaliwanag niyong lahat 'yan kay Kagawad Alberto." Wika niya, sabay kaming tumango ni Puresa at pagkatapos ay sumunod na kay kap palabas ng opisina upang magtungo na sa labas kung nasaan ang court.






Marami na ang mga tao at kumpleto na rin ang team ng bawat baranggay na kasali sa paliga ng taong ito.






Puwesto kami ni Puresa sa harapan kung saan kitang-kita ang grupo nila Benedict.






Tinawag si Mayor para sa opening speech ngunit tulad kanina ay hindi mawala ang tingin niya sa akin habang nagsasalita.






Ang mata niya ay parang sabik at puno ng lungkot habang hindi maalis ang paningin sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin, hindi ko talaga matagalan ang pakikipagtitigan sa kanya.






Bukod sa naiilang ako ay tila wala akong ibang maramdaman kung hindi inis sa hindi ko malamang dahilan.






"Rosi," tawag ni Puresa sa akin.






"Hmm?" Baling ko.






Nilingon ko siya ngunit wala sa akin ang paningin niya, ng tignan ko 'yon ay nakatingin siya kay mayor na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin.






"Pansin ko lang, kanina pa nakatingin dito si Mayor. Ako ba ang tinitignan niya?" Tanong ni Puresa.






Gusto ko siyang sabunutan dahil napaka-assumera niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko at pilit na pinapakalma.






Kalma, Rosi. Kaibigan mo 'yan.






"Tingin mo?" Tanong ko.






Tumango siya ngunit nang may mapagtanto ay nanlaki ang kanyang mata at tumingin sa akin.






"Type ka ni mayor?" Tanong niya, agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil masyadong napalakas ang boses niya.






Laking pasasalamat ko nang walang nakarinig.






"Lakas mo pa, parinig mo sa buong baranggay." Utos ko, tinanggal niya ang pagkakatakip ng aking palad sa kanyang bibig.






"Oh my God!" Tili niya.






Tinakpan ko ang aking mukha sa kahihiyan nang maglingunan ang mga tao sa gawi namin.






"Hi, Rosi!" Napalingon ako nang lumapit ang captain ng team sa kabilang baranggay. Kasing tangkad rin ni Benedict at kung titignan ay may itsura rin.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon