CHAPTER 12

17.7K 585 30
                                    

CHAPTER 12







"IS IT TRUE?" Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni mayor sa likod ko ilang minuto lang matapos umalis ni Arachne.






"H-Ha?"






"Arachne told me that you want to eat Sushi, is it true?" Tanong niyang muli, napakamot ako sa aking ulo.






"Mukhang masarap tigna——"






"Can you wait? I'll ask Gallier to contact a Sushi maker from Japan." Aniya, agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.






Umiling ako at lumapit na sa kanya upang pigilan siya sa pagtipa sa kanyang cellphone.






"H-Hindi na... Baka makaabala pa sa kanila tsaka nagluluto ng tanghalian sila ate Pilar at ate Joanna." Sagot ko.






Tinignan niya ako ng mariin, "Are you sure?" Panigurado niya.






Gusto ko mang humindi ay hindi ko magawa dahil paniguradong nakakahiya kila ate Pilar dahil nagluluto sila. Baka sabihin pa nila ay maarte ako.






"Oo, sa susunod na lang." Sagot ko.






Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing.






Hanggang dibdib niya lang ako kaya madali para sa kanya ang tapikin ang aking ulo.






"I already talked to Maximo, my house is safe now and you can live there with me." Aniya, napaangat ako ng tingin nang marinig ang sinabi niya.






"Sa b-bahay mo?" Tanong ko.






Tumango siya, "That's why I want to ask you if you want to live with me... I'm hoping you would say yes." Paliwanag niya.






"Bakit ko pa ako tinatanong? Hindi ba mag-asawa tayo at normal lang sa mag-asawa ang nakatira sa isang bahay?" Tugon ko.






Ngumiti siya at hinalikan ang ulo ko, "As much as I want to live with you, it is still your choice. I won't force you to live with me if you don't want you, besides, I can visit you here all the time." Sagot niya.






Tumingin ako sa mata niya at nababasa ko ang sinseridad, yung paraan ng pagtingin na malinis ang konsensya at parang nagsasabi na walang dapat pagdudahan sa intensyon niya.






"As long as you can't remember me, your choice is what matters. I won't force you to do things that you don't like and I will stand next to you all the time." Aniya.






Napangiti ako at walang sabing niyakap siya.






Kahit pa wala akong maalala at hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko ay alam kong panatag ang loob ko sa kanya.






'Yon ang panghahawakan ko.






"S-Sasama ako sa'yo." Tipid na tugon ko. Pakiramdam ko ay natigilan siya sa sinabi ko.






"R-Really?" Paninigurado niya.






"Oo." Tugon ko.






Naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa akin.






"That's good to hear, I will be a good husband to you." Wika niya.






PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now