CHAPTER 17

16.4K 506 139
                                    

CHAPTER 17




"AMBER," Napatingin ako kay Klaus nang tawagin niya ang pangalan ko.


"Bakit?" Tanong ko.



"We have a charity event at the ground floor for about an hour now. Do you want to come with me or stay here?" Tanong niya sa akin, saglit akong nag-isip.


Wala naman akong magawa dito at paniguradong mabuburyo ako sa pagkainip kaya napagpasyahan kong sumama na lamang.




"Sama ako." Tugon ko.



Tumango siya at pinagpatuloy ang pagtipa sa pagbabasa ng kung ano sa isang papel.



Tumingin muli ako sa screen ng laptop ni Klaus na pinahiram niya sa akin, tinuruan ako ni Gallier, Primo at Bilmus na gumamit ng app kung saan pwede akong manood ng kung ano.



Sinuwestyon rin ni Gallier ang isang animated series na pwede kong panoorin para hindi ako mainip.



Habang nanonood ay kumakain ako ng pagkain na binili namin habang papunta dito.



Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang may kumatok sa pintuan at kasabay ang pagbukas no'n.



"Mayor, parating na po yung bus na sinasakyan ng mga bata." Wika ni Gallier nang makapasok.


Tumayo si Klaus at inayos ang suot niyang damit, pagkatapos ay lumapit siya sa akin.


"Let's go," pag-aaya niya.


Sinara ko ang laptop at tumayo na rin, "Keep an eye on her while I'm talking to the directors." Utos ni Klaus kay Gallier habang naglalakad ako ng hallway papuntang elevator.


"Yes, mayor." Nang makasakay kami ng elevator ay hindi mawala ang kaba ko.


Pakiramdam ko kase ay maraming tao sa babae.




Nang makalabas kami ng elevator ay unang bumungad ang mga upuan sa event. Madami na ang mga tao at karamihan ay mga bata pa.




Sinalubong si Klaus ng mga taong may bitbit na mga camera, lahat ay gustong makakuha ng statement at interview ngunit wala sa kanila ang nakalapit.




Sinenyasan ni Klaus si Gallier kaya hinatak niya ako papunta sa pinakalikod ng mga upuan kung saan isang bata lamang ang nandoon.




"Ma'am Amber, dito ka lang para hindi tayo mahalata. Nandoon lang ako sa sulok para kung sakaling may mangyari ay madali kitang malalapitan. Kung may gusto ka tawagin mo lang ako," Paliwanag ni Gallier.




Tumango lamang ako ng nakangiti kaya nagtungo na siya sa sulok kung saan konti lamang ang mga tao.




Naupo ako sa tabi ng batang babae na nag-iisa rin dito sa dito.




Malayo siya sa dagat ng mga bata na masayang nag-uusap-usap. Nang pilit kong sinipat ang kanyang mukha ay napatingin siya sa akin.




"Hi," Bati ko.




Hindi siya nag-abalang ngumiti pabalik, bagkus ay yumuko lamang siya ulit at hindi nagsalita.




Napatahimik ako sa inasal niya, ang cute niyang bata. Mapula ang pisnge at maging ang manipis niyang labi ay talagang nakakaaliw. Makapal at mahaba ang pilik mata at ang kulay kayumanggi niyang balat ay kumikinang sa pagiging morena.




PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon