CHAPTER 33

20K 529 21
                                    

CHAPTER 33




"MAMA," Ngumiti ako kay Kris nang makita ko sila ni Klaus na kakababa lamang ng sasakyan.




Pinayagan sila ni kuya Rem na bumisita rito sa bahay nila ni ate Thriska kung saan muna ako tumutuloy.




"Kumusta ka na, anak?" Tanong ko sa kanya.




"Ayos lang, mama. Pupunta kami ni papa sa ampunan kung saan niyo ko inampon ni papa. Sama ka, mama.." Pag-aaya niya nang makalapit sa akin at humalik sa aking pisnge.




Pumasok kami sa loob at nandoon na nakaupo si kuya Rem sa sofa habang masama ang tingin kay Klaus.




"Hindi pa din ako boto sa'yo para sa kapatid ko. Pinapaalala ko lan——" bago niya matuloy ang kanyang sasabihin ay tinadyakan ni ate Thriska ang kanyang paa.




"Manahimik ka nga," suway niya at pagkatapos ay ngumiti kay Kris.




"Do you want an ice cream, little girl?" tanong ni ate Thriska kay Kris.




Agad na umiling si Kris, "Hindi po ako mahilig sa matamis." Tugon niya.




"I already asked Asmodeus to help on finding a clear report about what happened in the old building before. Malinis raw ang pagkakaplano at wala silang ma-trace kahit isang witness sa pagkakakidnap noon ni Christine noong napagkamalan siyang si Amber." Wika ni Klaus, bagsak ang aking balikat habang nakatingin sa kanya.




"But don't worry, I'll do everything to find one. I already set up everything at ang inaantay ko na lang ang pagkagat nila sa pain." Dugtong niya.




"You motherfu——" Agad na tumigil si kuya Rem sa pagmumura nang makita si Kris na nakatingin sa kanya. Napahilamos na lamang siya sa kanyang mukha at dinuro si Klaus.




"You moved without telling me! How could you?" Tanong ni kuya Rem sa kanya.




"Dahil ang bagal mo, I won't just sit there and do nothing. She's important to me that's why I want to give her the Justice she needed." Tugon ni Klaus.





Sasagot pa sana si kuya Rem nang biglang pumasok ang isa sa mga kasambahay nila ate Thriska.




"Ma'am, sir, may mga kotse po sa labas." Natatarantang wika nito.




Kumunot ang noo ni kuya Rem, "That's them." Ani Klaus kaya tinignan siya ni kuya Rem ng hindi makapaniwala.




"You invited someone without telling me? You assho——" biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si kuya Asmodeus na nakauniporme ng sundalo.




Napatunganga ako dahil bagay na bagay sa kanya ang kanyang uniporme.




May kasama siyang isang matandang lalaki na naka-uniporme naman ng pang-pulis at halata sa kanilang uniporme ang mataas na ranggo.




Agad na tumayo si Klaus upang tanguan sila, "Mayor De Leon," nakipag-kamay ang matandang lalaki kay Klaus at pagkatapos ay kay kuya Rem.




"Mr. Cortez," wika nito kay kuya Rem.




"Sandali, kukuha muna kao ng maiinom ninyo," paalam ni ate Thriska, "Tara, baby, sama ka kay tita." Pag-aaya niya kay Kris na agad namang nahihiyang sumama.




"Sit down," Ang kaninang nagbibirong ekspresyon ni kuya Rem ay seryoso na ngayon.




"Christine, this is Police General Guillermo C. Francisco, siya yung tumutulong sa atin para mahanap yung mga taong gumawa sa'yo noon dati." Pakilala ni kuya Asmodeus sa matanda.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now