CHAPTER 25

17.1K 476 45
                                    

CHAPTER 25





"MAMA," Napalingon ako kay Kris nang marinig siyang tinawag ako.





Pare-pareho kaming naka-facemask habang si Klaus ang nagtutulak ng cart at kami naman ni Kris ang kumukuha ng mga dapat bilhin.





"Hmm?" Tanong ko. Sinenyasan niya akong bahagyang yumuko upang maabot niya ang tenga ko kaya ginawa ko naman.





"Galit ba si papa?" Bulong niya, nilingon pa niya si Klaus na nasa likuran naman. Napalingon rin ako at tinignan ang kanina pa halatang wala sa mood na si Klaus.





Katabi niya si Primo na halatang kabado dahil wala sa mood ang boss niya, may mga body guards sa unahan at likuran namin kaya maayos kaming nakakapamili.





Nagkibit-balikat ako kay Kris dahil miski kao ay wala ring kaalam-alam kung bakit ganoon ang inaanto ni Klaus. Maayos naman siya kanina sa cellphone habang magkausap kami pero nang magkita kami ay ganyan na siya.





Ilang beses ko na nang pilit na kinakausap pero walang nangyayari kung hindi tango at iwas ng tingin lang ang sagot niya kaya tumigil na rin ako sa pangungulit.





"Dahil ba nabasag ko yung vase sa opisina niya?" Tanong ni Kris sa akin, na-kwento nga ni Primo sa akin na nakabasag raw ng vase si Kris kanina habang naglalaro sa opisina ni Klaus sa munisipyo.





Agaran akong umiling, "Hindi, anak. 'Wag mong isipin 'yan." Tugon ko.





Napayuko siya, "Dahil ba parati akong naglalaro sa PSP at cellphone?" Tanong niyang muli, agad muli akong napailing.





Bahagya kong ginulo ang kanyang buhok bago sumugot, "Hindi gano'n, Kris. Baka wala lang siguro sa mood si papa mo kaya siya ganyan, hayaan na muna natin. Mamaya pag-uwi natin, tulungan mo na lang si mama na mag-ayos ng grocery sa kusina, pwede ba 'yon?" Suwestyon ko.





Tumango siya, "Sige po." Tugon niya.





Nagpatuloy kami sa paglakad, nakatingin ako sa papel kung saan may listahan ng mga dapat bilhin, sa katunayan ay dapat nga karne lang pero ang sabi ni Klaus ay mas maganda nang makapag-grocery kami ng marami kaya heto at halos mapupuno na cart pero wala pa sa kalahati ang nakukuha ko mula sa listahan.





"Mama, pwede ako bumili?" Tanong ni Kris habang tinuturo ang mga chocolate drink na nasa kahon. Lumingon ako kay Klaus upang magpaalam ngunit naningkit ang mata ko nang makitang nasa dulo pa sila habang may kausap si Klaus na isang matangkad na babae.





Maganda ito at pamilyar na pamilyar ang mukha.





Ang ekspresyon ni Klaus kanina na tila wala sa mood ay napalitan ng malaking ngiti sa labi na tila close na close sila ng kausap niyang babae.





Sila Primo naman ay nasa likod lamang ni Klaus at nasa malayo ang tingin.





Lalong naningkit ang mata ko nang makita kung paano yumakap si Klaus sa babae bago ito namaalam na aalis na. Medyo malayo ngunit narinig ko pa pangalang binanggit ni Klaus bago tuluyang umalis ang babae.





Sino kaya ang Chelsey na 'yon? Maganda, matangkad at hindi maipagkakailang mukhang edukada at elegante sa paraan pa lamang ng paglakad at tindig.





"Mama, pwede akong bumili?" Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Kris na nagsalita muli.





Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis kapag naalala ko ang babae at ang yakapan nila.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotOù les histoires vivent. Découvrez maintenant