CHAPTER 27

16.6K 458 25
                                    

A/N: The following content that you will read will be part of the past. Baka kase maguluhan kayo kung saang timeline na napunta. And it's still her point of view, and one last thing. Hindi aabot ng 40 chapters, but I'll still do a lot of special chapters of different point of views. :))

Again, it's still her point of view so don't get lost. Hehe :))





CHAPTER 27





TAHIMIK akong nakaupo sa sanga ng isang malaking puno sa itaas ng bakuran namin.





Tinatanaw ko napakagandang tanawin na nagmumula sa papalubog na araw sa 'di kalayuan. Ang mga ibon ay kanya-kanyang pagaspas ng kanilang pakpak habang sumasabay sa indayog ng hangin.





"Ate!" Napalingon ako sa nang marinig ang boses ng isang batang babae.





Matinis ito ngunit banayad sa pandinig, nakatingala siya sa akin at pilit na inaabot ako gamit ang kanyang maliit na kamay.





"Ate, angat rin ako!" Pamimilit niya.





"Amber, hindi pwede. Baka mahulog ka, magagalit si papa." Wika ko.





Umiling siya, "Gusto ko 'dyan, akyat rin ako!" Pamimilit niya pang muli.





"Amber, hindi pwede. Gusto mo bang mapalo ulit ako ni papa kapag nalaglag ka dito?" Tanong ko, napasimangot siya at bagsak ang balikat na umiling.





"Kung ganoon, sige na... Pumasok ka na doon sa loob at hinihintay ka na ng mga kalaro mo." Utos ko, umiling siya at tinuro ako.





"Ikaw lang gusto kong kalaro, ate..." Aniya.





"Amber, ilang beses mo bang kailangang ipaalala sa'yo? Kapag nakita tayo ni papa na magkasama, malalagot ako. Kaya hindi pwede, sige na, pumasok ka na sa loob." Paliwanag kong muli.





Kahit na gustong-gusto kong makipaglaro sa kanya at gawin ang mga bagay na natural lang na ginagawa ng mag-ate ay hindi pwede.





Ako ang malalagot kapag nahuli kami ni papa, namutawi ang iyak niya sa buong bakuran. Miski ang mga kasambahay na naglilinis sa bakuran ay napalingon sa amin.





Agad akong bumaba ng puno at niyakap siya upang tumigil siya sa pag-iyak. "Shh, 'wag ka ng umiyak. Makikipaglaro na si ate sa'yo," pagpapatahan ko.





Imbis na tumahan siya ay mas lalo siyang lumikha ng malakas na tunog ng pag-iyak.





"'Wag ka ng umiyak, Amber. Makikipaglaro na si ate, shhh..." Suway ko.





Bago pa ako muli makapagsalita ay may humila sa akin palayo kay Amber, humampas ang likod ko sa malaki at matigas na katawan ng puno na naging sanhi ng pagngiwi ko.





"Hindi ba't ilang beses ka ng sinabihan ni Don Miguelito na huwag mong lalapitan si Amber kapag nasa labas kayo?" Salubong ang kilay ng mayordoma ng mansyon nila papa habang sinisigawan ako.





Napayuko ako, "Pasensya na po," tugon ko.





"'Wag mo siyang pagalitan! Ate ko siya!" Pagtatanggol ni Amber sa akin.





"Senyorita, magagalit po ang daddy mo kapag lumapit ka pa ulit sa kanya. Tsaka hindi kayo tunay na magkapatid, anak lang siya sa labas..." Panunuhol ng mayordoma kay Amber.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now