CHAPTER 3

21.8K 674 127
                                    

CHAPTER 3



ILANG araw ang lumipas nang ipatawag ni Kapitan sila mama at papa sa baranggay hall.



Hindi ko alam kung bakit pero sa palagay ko ay mahalaga ang pag-uusapan nila dahil seryoso ang mukha ni kagawad Susan kanina nang magpunta dito sa bahay.



"Rosi, may opening ng liga raw sa court mamaya. Tara nood tayo," Pag-aaya ni Puresa.



"Magtitinda ako mamaya, 'wag mo na kong damay sa kaharutan mo." Suway ko, napairap siya sa akin.



"Ouch ah, ang saket no'n." Aniya.



"Rosi'ng pader!" Mariin akong napapikit nang marinig na naman ang pang-asar na bansag sa akin ni Benedict.



"Utang na loob, Benedict... Lubayan mo 'ko," pagbabanta ko.



Narinig ko siyang tumawa, "Manood ka mamaya sa court, dapat maging proud ka na may ka-baranggay kang basketball player!" Wika niya, sinamaan ko siya ng tingin at akmang pupukpukin ng sandok ng magtago siya sa likod ni Puresa.



"Aba, anak ng pucha, ginawa mo pa 'kong shield!" Wika nito at pilit na pinapaalis si Benedict sa kanyang likuran, napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng tinolang manok para sa pananghalian namin mamaya.




Maganda ang kita namin nitong mga nakaraang araw kaya nakabili si papa ng isang kilong manok pang-tanghalian hanggang hapunan.




"Seryoso, Rosi... Manood ka mamaya," Wika muli ni Benedict.




"Ako tigilan niyo 'kong dalawa, sinabi ng hindi ako pwede dahil magtitinda ak——"




"Rosi, huwag ka munang magbukas ng tindahan mamaya. Nagpapaluto si kapitan ng meryienda dahil bibisita raw si Mayor para sa pagbubukas ng liga." Putol ni mama sa sasabihin ko.




Hindi ko napansin na nakauwi na pala si mama at papa galing sa baranggay hall.




"Tamang-tama, aling Jessie! Manonood kami ni Rosi sa court mamaya," ani Puresa.




Tumango na lamang si mama at pumasok na ng bahay. Si papa naman ay ibinaba ang dalawang malaking kahon na may lamang buhay na mga manok. Alam kong manok dahil sobrang ingay sa loob.




"Bigay ni kapitan 'yan, pa?" Tanong ko.




Pumasok muna siya ng bahay, paglabas niya ay dala-dala na niya ang itak niya na parati niyang hinahasa kapag wala siyang ginagawa.




"Oo, kakatayin para mamaya." Sagot niya.




Saktong dumating sila kuya Arnie at Arnel, siguro ay break time nila sa pier.





"Oh, kumain na muna kayo." Ani mama tsaka lapag ng mga plato sa lamesa.





"Siya nga pala, Rosi... Magpunta ka kay kapitan mamaya, tulungan mo raw sila sa pag-aayos para sa pagdating ni mayor." Utos ni mama, agad akong napatingin sa kanya at nagtataka siyang tinapunan ng tingin.





"Bakit pati ako?" Tanong ko.





"Huwag ka ng maarte, para sa baranggay natin 'yon. Baka mamaya ay maisipan ni mayor na magbigay, mabiyayaan ka pa." Wika niya.





Bumuntong hininga ako at napairap sa hangin.





Habang kumakain kami ay hindi mawala ang tingin ko sa sugat ni kuya Arnel sa braso pati ang maliit na pasa ni kuya Arnie sa may labi.





PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now