CHAPTER 31

19.1K 559 61
                                    

CHAPTER 31



"K-Kuya R-Rem..." Ilang beses kong pinahid ang luha sa aking pisnge habang patuloy ang pagdaloy nito mula sa aking mga mata.



"Christine, I want to see you now, are you alright? I heard what happened." Sunod-sunod na wika niya.



Wala akong pagdadalawang-isip na sumang-ayon na makipagkita.



Kilala ko si Kuya Rem, mabait siya at siya lang ang tanging taong nakakaintindi sa akin simula pa noon kaya hindi niya ako ipapahamak, sila lang ni mama ang natatanging tao na kaya talagang minahal ako noon.



"N-Nandito ako sa hospital, kuya." Tugon ko.



"I already know where you are, I'm here at the parking lot. I'll be waiting for you." Wika niya.



Agad kong pinatay ang tawag at dali-daling nagtungo sa parkong lot ng hospital kung saan ako na-confine.



Nang makarating ako doon ay nilibot ko ang aking paningin sa buong parking lot.



Wala akong nakitang kahit-isang tao bukod sa mga kotse na nakaparada kaya masugid kong inisa-isang lapitan para siguruhin kung nasaan siya.



Bubuksan ko na sana ang cellphone ko upang tawagan niya nang marinig ko ang kanyang boses sa aking likuran.



"C-Christine..." Anito.



Humarap ako at ang tumambad ang kanyang matangkad na bulto ng katawan, pinakatitigan ko siya habang patuloy na bumubuhos ang luha mula sa aking kamay.



Inisang hakbang niya ang aming pagitan at walang sabing niyakap ako ng mahigpit. "Thanks God, you're alright..." Wika niya.



"K-Kuya Rem, naaalala ko na ang lahat..." Wika ko.



Sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at hinayaan kong mabasa ang kanyang damit ng aking luha.



Naramdaman ko ang sunod-sunod niyang paghalik sa aking noo. "Nandito na 'ko, Christine. Kaya na kitang protektahan, patawarin mo si kuya at hindi kita naprotektahan noon. Patawarin mo si kuya, Christine." Paghingi niya ng tawad at kasabay ang mas paghigpit ng kanyang yakap sa akin.



"I'm sorry, C-Christine..." Wika niya.



"Pinagdudahan kita noong wala akong maaalala, ang akala ko ay hindi na kita ulif makikita, kuya..." mabigat ang paghinga ko habang yakap-yakap siya.



"I will explain everythi——"



"Amber!" Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Klaus sa aking likod.



"You fucking asshole! Let go of her before I blow your fucking head!" Banta niya sabay angat ng kanyang kamay papunta sa direksyon ni kuya Rem.



Nakita ko ang hawak niyang baril kaya't nanlaki ang mata ko at wala akong sinayang na sandali, agad kong tinakpan si kuya Rem upang pigilin si Klaus sa kanyang balak na gawin.



"Klaus, 'wag!" Suway ko.



Kumunot ang kanyang noo at nagpabalik-balik ang tingin sa amin ni kuya Rem.



"Amber, listen to me... That man is the one who planned to kill you before. He's one of those who planned to get revenge to Miguelito Valerico that's why he kidnapped yo——" Bago pa niya matuloy ang kanyang sasabihin ay pinutol na siya ni kuya Rem.



PSYCHOPATH #5: Klaus De Leon | Hatred ShotWhere stories live. Discover now