Prologue

79 24 31
                                    

"Will you be my girlfriend?" Lucas asked. I smiled... sadly.


"Yes!" I answered with tears falling in my eyes.


"Yes! She's now my girlfriend!" Lucas shouted.


"I love you Lucas..." malungkot kong sabi.


"I love you too Bea." Naramdaman kong tumulo ang luha ko, napangiti ako nang mapait dahil ang pangalang binanggit niya ay ang ate ko.


I wish it was me, I wish.


Tinapon ko ang letter at drawing na dapat ibibigay ko sa kanya. After 6 years of loving him, I finally had the courage to confess to him. I finally had the courage, yet I will just see him with my sister. Late na ba talaga ako? Wala na ba talaga?


I was about to leave when I heard someone.


"Hangga't di pa sila kasal may pag-asa pa 'ko," rinig kong sabi ng isang babae. Napalingon ako sa nagsalita.


"Baliw ka ba? Si Bea ang girlfriend niya, mayaman at maganda anong laban mo?" sagot ng kasama niya.


"Bakit? Gusto ko si Kai, anong magagawa niya?" rinig ko na namang sabi ng babae.


Napangiti ako, at lumapit sa kan'ya.


"Salamat sa advice," sabi ko nang nakangiti. Nakita ko ang pagtataka sa kan'yang mukha, lalo akong napangisi.


"Huh?" pagtataka niya ngunit umiling lang ako.


"Nothing." Aalis na sana ako nang may maalala ako. Lumapit ako sa kan'ya at bumulong.


"Anyway, wala ka nang pag-asa. Si Bea pa nga lang 'di mo matatalo, ako pa kaya?" Nakita ko ang gulat sa kan'yang mukha, napangisi lang ako at iniwan siya tulala.


"Lauren?" Nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko kung kaninong boses 'yon. Lumingon ako at nakita ko siyang mag-isa. Ang gulat ko ay napalitan ng ngiti.


"L-Lucas?" Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya, nagtataka siguro kung bakit ako nautal. "Oh! I mean Lucas, sorry akala ko kasi kung sino kaya nauutal ako."


"No need to explain," sabi niya habang nailing.


"Anyway, where's Bea?" pag-iiba ko nang usapan. Napangiti siya, nakasimangot akong tumingin sa kan'ya.


"Pumunta lang siya sa comfort room. Anyway, I saw you earlier and you must have seen us. Are you okay with it?" tanong niya, pa-simple akong umirap.


"What do you mean?" Kunyaring walang alam sa kung ano ang nangyari.


"I mean Bea and me, you know... together," sabi niya habang pinagdidikit ang dalawang daliri niya.


Makukuha rin kita sa kan'ya, kaya 'wag mong itanong sa'kin 'yan.


"So? Why are you asking me?" I saw the shock on his face, well, who would not be shocked?


Bakit niya ba ako tinatanong tungkol sa kanila? Tanga ba siya?


"Kasi kapatid ka niya, no more reasons." Napa-irap ako sa narinig ko, ano namang paki ko?


"No." Muli, nakita ko ang pag-kunot ng kan'yang noo.


"What do you mea—" Napatigil siya nang bigla akong lumapit at bumulong sa kan'ya.


"I don't want you together, because I want us together." Tinulak niya 'ko at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Napangisi ako sa naging reaksiyon niya.


"What the he—" Tinalikuran ko siya at naglakad palayo. Lumingon pa ako sa kanya at ngumisi.


"Goodbye, my love!" sigaw ko at kumaway sa kanya.


He might push me away, but I still love him.


He might love someone else, but I still love him.


He and Bea must be together, but I still love him.


I wanna love him until I die, and I will never stop until he says that he loves me too.


I will be greedy for love, for him to be mine.


If loving him is a sin, then I'll be a Sinner.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن