Chapter Thirty: A Happy Ending

36 11 8
                                    

Levi

"Bakit mo pa ako hinanap?" umiiyak na tanong niya, tiningnan ko siya nang may halong lungkot.

"At bakit mo'yon ginawa?"tanong ko, napangiti siya.

"Dahil mahal kita, mahal na mahal kita." Napaiyak ako at hinawakan siya sa mukha.

"Bakit napakaswerte ko sa'yo? Napakaswerte ko, Lauren." Umiling siya.

"Hindi ka sinwerte sa'kin, Levi. Mawawala na ako, mamamatay na ako. Iiwan din kita, mag-iisa ka na lang." Paulit-ulit akong umiling.

"Lauren, wala akong pakielam. Gusto kitang makasama muli, kahit sandali lamang. Pasensya na dahil napuno ako ng..."Napatigil ako at tumingin sa magaganda niyang mata.

"Napuno ako ng galit, hindi ko inisip ang nararamdaman mo." Natawa siya, taka akong tumingin sa kan'ya.

"Kaya nga ginawa ko 'yon, ginawa ko 'yon para magalit ka sa'kin. Mabuti ay effective naman, pero sandali nga lang," natatawa niyang sabi, tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi 'yon biro, Lauren. Lauren, kung dati ay puro sarili ko lang ang iniisip ko. Iba na ngayon, dahil handa akong masaktan. Handa akong masaktan, makasama ka lamang," seryoso kong sabi, napatigil siya. Ngumiti siya at tumango sa akin.

"Tama na nga ang lalaking minahal ko," sabi niya habang nakangiti.

"Tama, pero sa maling oras,"dugtong niya pa, napaluha ako at nginitian niya ako.

"Kita mo, paano ko sasabihin sa'yo kung hindi pa ako namamatay ay umiiyak ka na? Ayaw kong makita kang umiiyak, Levi." Hinawakan niya ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"B-Bakit kasi napakalupit ng tadhana sa atin?"Ngumiti siya, at pinupunasan pa rin ang mga luha ko.

"Levi, bakit kahit anong punas ko sa luha mo umaagos pa rin ito?"pang-iiba niya ng usapan.

"Bakit kahit anong gawin ko, patuloy ka pa ring nasasaktan?" dugtong niya pa, napatitig siya sa'kin at ngumiti. Nakita ko ang luha niya, ang luhang nagpapahina sa akin.

"Bakit ang hirap makita na nasasaktan ka?"umiiyak na tanong niya.

"Bakit kahit alam kong wala na tayong pag-asa, umaasa pa rin ako?"Inalis niya ang kamay niya ngunit kinuha ko ito.

"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" patuloy niya.

"Bakit ang hirap mong iwan?"

"Bakit, hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita?" Napakagat siya sa labi.

"Levi, nagmahal lang naman ako." Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya at tumingin sa malayo.

"Nagmahal lang naman ako, pero bakit humantong sa ganito?" Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko.

"Nagmahal lang naman ako, pero bakit ang sakit?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti.

"Laure—"Hindi niya ako pinatapos.

"Kumain na tayo,"sabi niya, napatigil ako pero tumango lang ako.

Lumabas na kami sa kwarto niya at inaalalayan ko siya, mahina na talaga siya. Nakita nila kami at nagulat sila.

"Naalala mo na siya?"tanong ni April kay Lauren, ngumiti siya at tumango.

Napangiti silang lahat at tumingin sa'kin, napangiti rin ako.

Kahit sandali lamang, atleast makakasama ko siya muli.

"Natutuwa ako, anak,"nakangiting sabi ni tita Lei. Ngumiti lang si Lauren at pumunta na kami sa kusina.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now