Lauren
"Bro!" sabay nilang sigaw at nagyakap. Magkakilala sila?
"Magkakilala kayo?!" tanong ni April. Tumango naman yung dalawa.
"Ofcourse, he's my friend," sabi ni Clove habang nakangiti. Tumango naman si Levi at tumingin sa'kin. Anong tinitingin mo diyan?
"Jae, kilala mo ba 'to?" tanong ni Clove sa'kin, umirap ako at tumango.
"Yeah, siya ang sumisira ng araw ko." Napatawa naman silang tatlo.
Okay, tatlo na sila.
"Grabe ka naman sa future husband mo." Ngumuso siya, pero mukha siyang aso. Narinig ko ang tawa ni Clove.
"Iba ka na bro. Ang confident mo na ngayon," nakangising sabi ni Clove. Napakunot ang noo ko.
"Sawa na akong maging torpe." Umiling siya at ngumiti. Napatingin sa'kin si Clove. Anong pinag-uusapan nila?
"This guy..." Sabay turo niya kay Mr. Annoying. "Siya yung patay na patay sa'yo dati-" Hindi niya natapos ang sinasabi niya nang sumingit si Mr.Annoying.
"No bro, it's not 'patay na patay' its 'like'," pagco-correct ni Mr. Annoying. Napairap na lang ulit ako.
Sanay na 'ko sa ganyan, ako si Lauren remember?
"Kaya pala araw araw mo akong tinatanong kung nasaan siya, kung kumain na siya? Come on bro! Ask her yourself, inis na inis ako no'n sa'yo dati. Parang gusto na kitang itakwil," sabi ni Clove habang tumatawa. Tiningnan ko sila ng masama.
Bakit ba nandito sila?
"Excuse me, kung mag-uusap lang kayo may kabilang table." Umirap ako, ngunit tumawa lang sila.
"'Wag niyo 'yang pansinin si Lauren, sinira niyo kasi ang araw ang saya-saya kaya niyan kanina," hirit pa ni April, isa pa'to. Naging tatlo na silang makulit sa buhay ko.
"Ganyan yan si Lauren pero mapagmahal yan—" sabi ni Clove, hindi ko siya pinatapos.
Ako mapagmahal? Well, 'pag ikaw si Lucas.
"Excuse me?" inis na sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Joke lang," nakangiti niyang sabi, napailing na lang ako.
"Anyway Levi, right?" tanong ni April. Napatango naman si Levi sa kan'ya.
"Paano mo siya nagustuhan? Kagaya ng sinabi nito ni Clove na matagal mo na siyang gusto, pero ngayon mo lang inamin."
![](https://img.wattpad.com/cover/240460433-288-k785186.jpg)
YOU ARE READING
The Sinner (Disastrous Love, Series #1)
General Fiction"I have many ways to make him fall for me, so wait for it bitch." -Lauren Jae Adair Lauren had loved Lucas for years. She had no courage to confess it-until the day she's waiting for came. She planned to confess her love for him, but instead of conf...