Chapter Three: A Flirty Bitch

36 16 0
                                    

3rd Person

"Lauren!" hinihingal na tawag ni April sa kanyang kaibigan.


Nanlaki ang mga mata ni Lauren na tila gulat na gulat na makita ang kaibigan. Sinundan pala ako nito?! sa isip isip niya.


"Sino 'yon?" nagtatakang tanong ni April dahil kahit na malayo siya, alam niyang kausap ng kanyang kabigan ang lalaki.


"Bakit? Type mo?" Napangiwi si April sa sinabi ng kanyang kaibigan, diring-diri sa kanyang narinig.


'Paano ko yun magiging type? I didn't even saw his face, unless he looks like Marlo Mortel.' sa isip isip ni April


'I might reconsider.' Napangisi siya sa kanyang naisip at napatango-tango pa.


"Anong tinatango-tango mo diyan ha?! Type mo talaga 'no?" Tawang-tawa ang dalaga na parang walang kinabukasan.


Napatitig si April sa dalaga dahil sa pagtataka, napakunot ang noo niya sapagkat nagtataka siya sa inaasta ng kaibigan, dahil kanina siya'y umiiyak ngunit ngayon siya'y tumatawa.


Are you okay? Sa isip isip ni April, kahit na alam niya na ang sagot ay 'di niya maiwasang maawa sa kaibigan.


Bakit kailangan mong magkunyari? Bakit kailangan mong itago ang sakit mo?


Napahinto si Lauren sa kanyang pagtawa nang makitang seryoso ang mukha ng kanyang kaibigan.


"Stop pretending Laur—" Hindi natapos ni April ang sinasabi niya dahil sumingit si Lauren.


"What do you mean? April I—" Nanlaki ang kanyang mga mata nang yakapin siya ng kanyang kaibigan.


"I know you're not okay Lauren." Nawala ang mga ngiti ng dalaga.


Alam kong alam niya na nagpapanggap lang ako. Kahit na alam kong malalaman niya rin, bakit nagpapanggap parin ako?


"Kilala mo talaga ako..." Ginantihan niya nang yakap ang kaibigan.


"K-Kilalang kilala..." Napangiwi siya nang marinig ang sarili na pumiyok, dahil sa pagpigil na lumabas ang kanyang hikbi.


Now I know why, I know why I pretended. So even just onceeven if it's not true, I can say that sometimes I was okay too.


"Ilabas mo lang yan, crying doesn't mean you're weak. Crying is one of the things that can make you stronger. I know someday I will be one of those people who will shout. 'I am proud of you! because you came back stronger—not physical but emotional." Dahil sa sinabi ng kanyang kaibigan ay lalo siyang umiyak, ngunit pinilit niyang ngumiti, dahil alam niyang kahit talikuran siya ng lahat ng tao, ay alam niyang may isang tao na hindi siya iiwan.


I'm thankful because you're my best friend, you are the only one but I know that you are true. Thank you April, thank you...

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now