Chapter Two: Crying Makes You Stronger

39 16 1
                                    

Lauren

Bakit sila nandito? Anong ginagawa nila dito?

"Bakit naistatwa ka diyan? Parang naglaro ka ng ice water—" Tinakpan ko ang bibig niya.


"Shh," pagpapatahimik ko sa kanya. Tinanggal niya ang kamay ko sa bibig niya.


"Yak! Kadiri! Ano ba kasing ginagawa mo?!" Nilagay ko ang hintuturo ko sa bibig ko.


"'Wag kang maingay," pagpapatahimik ko ulit sa kanya, ang ingay-ingay nito.


"Bakit?!" tanong niya, tinuro ko sila Lucas at Bea.


Bigla siyang napatawa ng malakas. Napakunot ang noo ko.


"'Wag kang maingay baka makita nila tayo," pabulong kong sabi, paano ba naman kasi ang lakas-lakas ng tawa akala mo may hawak na tatlong mic.


"Nakakatawa kasi," sabi niya habang pinipigilan ang tawa.


"Anong nakakatawa? Alam mo namang may gusto ako kay Lucas tapos pagtatawanan mo ako?" Tiningnan ko siya ng masama, ngumiti siya.


"Alam ko, pero 'di naman 'yon ang pinagtatawanan ko," pagpapaliwanag niya, napakunot ang noo ko.


"Ano na naman ba 'yan?" tanong ko, napangisi siya.


Ayos-ayusin mo ang sagot.


"Wala lang, natawa lang ako sa mukha nila" Tiningnan niya ang mukha ko, kinotongan ko siya. Nagreklamo naman siya pero umirap lang ako.


"Aalis na sila," pang-iinform niya sa'kin.


"Sundan natin." Tiningnan niya ako ng masama.


"Ano ka ba naman Lauren, alam mo namang tamad akong tao," reklamo niya, tiningnan ko siya ng masama.


Tumayo ako. "Tara na kasi! Exercise din ang paglalakad 'no!"


Sumimangot siya sa'kin at umiling. "Bakit mo kasi sila susundan? Ano ka stalker?!"


Dami nitong alam, 'pag 'di ko na talaga nakita sila Lucas at Bea sasapakin ko 'tong babaeng ito.


"I have a plan."


Masama man pero wala akong paki, inagaw niya ang lalaking gusto ko.


"Ano?" pagtataka niya habang nakakunot noo.


"Basta, samahan mo na lang ako," sabi ko at hinanap kung nasaan na sila.


"Nasaan na sila?"Napairap ako sa tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama.


"Aba malay ko, epal ka kasi nagsalita ka pa." Napangiwi siya at tinuro ang sarili.


"Ako pa ang may kasalanan?" Napabuntong hininga na lang ako.


Hinanap namin sila, pero hindi na namin sila makita. Niyaya niya na lang akong pumunta ng NBS.


Nagulat ako ng biglang sumigaw si April, inirapan ko siya.


"Ang ingay mo," inis na sabi ko.


"Sorry naman, nakita ko kasi 'yung favorite book ko," excited na sabi niya at pinakita sa'kin ang librong hawak niya. Napakunot noo lang ako, anong paki ko diyan?


"Oh ano nama—" Napatigil ako dahil may narinig akong nag-uusap.


"Ba't tumigil ka na naman diyan?" tanong niya.


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ