Chapter Twenty-Eight: Her Sacrifices

25 11 9
                                    

Levi

Simula ng kasal namin ni Scarlett ay hindi ko na nakita si Lauren. Hindi ko alam, pero namuo ang galit ko sa kanya.

And I hate myself for that.

Hindi ko mapigilang magalit sa kanya, dahil na-realize ko na parang pinaasa niya lang ako.

Ako mag-isa ang nasasaktan, ngunit siya? Hindi ko alam, pero alam ko natutuwa siya ngayon. Siguro magkasama na sila ni Clove.

One year na kaming kasal ni Scarlett, napagamot na rin ang mama ko. Matagal-tagal ko na ring hindi nakasama si Lauren, pero alam ko natutuwa siya.

Hindi na naman niya ako mahal hindi ba?

Lalo na ngayon at matagal na niya akong hindi nakikita. Galit ako sa kanya, galit na galit. Hindi mawala ang galit ko, dahil hindi niya ako pinaglaban. Pero bakit niya ako ipaglalaban? Hindi naman niya ako mahal, diba?

Sa one year na pagsasama namin ni Scarlett, wala pang nangyari sa'min. Alam niya na hindi ko siya mahal, kaya hindi niya pinipilit. Akala ko noon masama siyang tao, hindi naman pala. Mas nakilala ko siya, at alam kong may namumuo akong feelings sa kanya.

"Levi."Biglang nagpanting ang tenga ko at napalingon, nadismaya ako nang makita ko si Scarlett. Bakit naman ako madidismaya?

"Oh sorry, King pala,"pilit na ngiting sabi niya. Umupo siya sa sofa at tumingin sa'kin. Napatayo ako para kumuha ng tubig.

"Alam mo ba ang date ngayon?"tanong niya, napakunot ang noo ko at tumingin sa cellphone ko.

"March thre-"Napatigil ako at napatingin sa kanya. Ngumiti siya sa'kin at tumango.

"Anong meron?"patay-malisya kong tanong.

"Wala naman, may naalala lang akong isang kaibigan," nakangiti niyang sabi, ngumiti ako ng pilit, lumapit ako sa kan'ya at kinurot ang ilong niya.

"'Wag mo nga pisatin ang ilong ko! Kapag ako pumango, ikaw may kasalanan!"pagtataray niya, napatigil ako.

Naalala ko siya, bakit? Bakit ko siya naalala?

"King,"sabi niya habang nakangiti ng malungkot.

"Alam mo namang mahal kita, hindi ba?" tanong niya, napakunot ang noo ko at tumango ako.

"Oo, at alam kong nagugustuhan na rin kita." Umiling siya at hinawakan ako sa mukha.

"King, mahal kita. Pero hindi ko matutumbasan ang pagmamahal niya. Ang pagmamahal niya sa'yo, mahirap tumbasan. Sobra sobra, na kaya niyang masaktan siya. Hindi ko 'yon matutumbasan kahit na kailan," nakangiting sabi niya, napakunot ang noo ko.

"Sinong niya?"nagtatakang tanong ko.

"Si Laure-"Hindi ko siya pinatapos.

"Scarlett, alam mo namang ayaw ko marinig ang pangalan niya hindi b-"Hindi niya ako pinatapos.

"King, may kailangan kang malaman,"seryosong sabi niya, napakunot ang noo ko.

"Hindi ko dapat sasabihin sa'yo, pero hindi ko na kaya. Hindi ko alam, pero magaan ang loob ko sa kan'ya. Magaan ang loob ko sa kan'ya dahil napakabait niya. Birthday naman niya ngayon hindi ba?"Napatigil ako, oo birthday niya.

Naalala ko pa ang nangyari last year noong birthday niya, naaalala ko pa at nasasaktan ako.

Nasasaktan ako na, 'yon ang una at huli naming selebrasyon.

"'Wag mo na siyang ipaalala please,"malungkot kong sabi. Umiling siya. Tumayo siya at magka-eye level na kami.

"Hindi ko na siya mapapatawad, sinaktan niya ak-"Hindi niya ako pinatapos, nakita kong napaluha siya.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now