Chapter Twelve: Bullying The Bully

28 13 10
                                    

Lauren

Nandirito ako sa cafeteria at kumakain mag-isa. Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ako ng mga estudyante dito, pero hindi ko sila pinapansin dahil mas malala pa ang mga pinagdaanan ko dito.


"Hello, babe." Biglang may tumabi at umakbay sa akin, tinanggal ko ang kamay niya at hindi siya pinansin.


What the hell?


"Kasusapin mo naman ako," hirit niya pa pero tiningnan ko siya ng masama.


"Hindi ka ba natutuwa at ako ang lumalapit sa'yo? Diba gustong-gusto mong may lumalapit sa'yong lalaki?" Bigla niyang sabi, tumayo na ako at aalis na sana nang sumigaw siya.


"Bakit mo ako inaalisan, babe?" Napairap na lang ako at hindi ko na lang siyang pinansin.


Another weird and creepy guy.


"'Yon ba ang boyfriend niya?" Biglang sabi ng isa, napailing na lang ako.


"Siguro tinawag siyang babe eh, malandi talaga ang babaeng 'yan," biglang sabi ng isa, hindi porket tinawag na babe ay boyfriend na agad? Mga utak nila, tsk.


"Diba kasama niya si Kai no'ng isang araw, pati yung dalawang lalaki, tapos ngayon meron na naman?" 


Gan'yan ba kakitid ang mga utak nila?


"Malandi talaga yang babaeng 'yan." Napailing na lang ako.


Mga bobo at tanga.


Naglalakad lang ako nang biglang may bumato ng pagkain sa'kin.


"Bagay yan sa'yo, bitch!" Napahawak ako sa ulo ko dahil doon tumama ang pagkain. Carbonara, sinayang nila ang favorite ko.


'Yan na 'yon?


Napalingon ako at lahat sila ay tumatawa, tumalikod na lang ako at binato na naman nila ako. Hindi lang isa kundi marami. Hindi ko na lang sila pinansin, pero may sumampal sa'kin. Napabuntong hininga ako at umirap.


"Bakit hindi ka lumalaban? Matapang ka 'diba?" tanong niya at napangisi. Napangisi rin ako at lumapit sa kanya, napakunot ang noo niya.


"Pasensya na pero hindi ako lumalaban sa taong matapang lang kapag may kasama, balik ka na lang bukas kapag mag-isa ka na lang," sabi ko nang nakangisi, nakita ko ang inis sa mukha niya. Napatahimik ang lahat ng tao at natawa ako.


Mga duwag.


"Isang bara ko lang, tumahik na kayo. Paano pa kaya kung lumaban ako sa inyo? Baka pati pamilya niyo matakot," sabi ko nang nakangisi at naglakad na paalis, narinig ko pa ang sigaw ng babaeng sinampal ako. Anong karapatan niyang sampalin ako?

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now