Chapter Thirteen: A Ruined Life

26 12 8
                                    

Lauren

I can't believe that the person who ruined my life, is the person I trusted the most.


Bakit lagi na lang akong niloloko? Bakit gano'n?


Lahat ba ng tao galit sa'kin? Bakit, bakit pa ako nabuhay kung wala rin pala akong halaga?


Sana hindi na lang ako ipinanganak...


"Lauren..." Napalingon ako at nakita ko si Levi. Hindi ko siya pinansin.


"Narinig ko lahat, sorry," bigla niyang sabi, napangiti ako ng mapait.


"Narinig mo? Kaya sasaktan mo na rin ako?" tanong ko habang umiiyak, lahat ba ng tao sasaktan na lang ako?


"Hindi, hindi ko magagawa sa'yo 'y-" Hindi ko siya pinatapos.


"No. Sinabi rin yan ng taong sinaktan ako ngayon. Hinding hindi na ako magtitiwala pa kahit kanino, lahat na lang ay niloloko ako. Lahat na lang, pinaglalaruan ako," sabi ko habang umiiyak.


Bakit ako na lang palagi ang nasasaktan,


Ako ang nasasaktan,


Pero ako pa rin ang mali,


Ako ang nasasaktan,


Pero sila ang nagmumukhang biktima.


Napangiti ako, naalala ko si Bea.


"No one treats me nicely, no one. Never.." napatungo ako. "Lagi na lang ganito, lagi na lang akong sinasaktan mapa-parents ko, kapatid ko at ngayon, pati ang taong nagbigay saya sa'kin, sinaktan ako. Lahat na lang ay sinasaktan ako, lahat na lang..." mahina kong sabi. Napaupo ako, pinunasan ko ang luha ko pero patuloy pa rin 'tong umaagos.


Katulad ng luha ko,


Patuloy ako nasasaktan,


Pero lumalaban ako,


Ang hirap maging ako.


"Laure—" hindi ko na naman siya pinatapos.


"Just leave me alone! Bakit ba lagi mo na lang akong iniinis? Pwede bang umalis ka na sa buhay ko?" sigaw ko at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya, pero hindi ako maniniwala. Ayoko nang masaktan, ayoko na.


Lumuhod siya at pinunasan ang mga luha ko, napatingin ako sa kanya.


"Sige, aalis ako. Aalis ako sa buhay mo, gusto kong sumaya ka kahit hindi ako masaya," sabi niya at nakita ko ang mga luha sa mata niya.


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now