Epilogue

39 11 7
                                    

One month na mula noong namatay si Lauren, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap. Binigay ng mga magulang nila sa'kin ang asong ibinigay ko kay Lauren. Ngayon, siya na lang ang Lauren na makakasama ko.

Iniisip ko palagi na sana panaginip na lang ang lahat, pero hindi eh. Napapaiyak na lang ako tuwing naiisip ko siya. Nag-annulment kami ni Scarlett, nalulungkot siya pero natutuwa rin. Ang sabi niya, dapat lang na maghiwalay na kami. Napabilis ang proseso dahil nga mayaman sila.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Hindi na nga ako kasal, pero hindi pa rin kami pwede. Hindi pa rin kami pwede dahil,

Wala na siya.

Wala na ang pinakamamahal kong babae.

Wala na, wala na akong kasiyahan. 

Mahirap palang mawalan ng minamahal sa buhay, para ka ring pinatay. Niligtas niya ako noon sa kamatayan, pero siya naman ang pumatay sa akin ngayon.

Pinatay niya ako dahil namatay siya.

Kasabay nang pagkamatay niya ang pagkamatay ko at,

Ng puso ko.

Ang sabi nila, natural lang daw sa love na masaktan. Natural rin ba ang pagkawala niya? Alam kong mawawala rin siya, pero bakit ganito kaaga? Gusto ko pa siyang pakasalan at gusto ko pang magkaroon ng pamilya kasama siya. Ang dami ko pang gustong gawin kasama siya, pero bakit kinuha kaagad siya? 

Bakit kailangan bawiin ang mga masasaya naming alala?

Mas madami kaming masasayang alala, pero ang naaalala ko lang ay ang pagkamatay niya.

Ang naaalala ko lang ay ang mga masasakit na alaala.

Sabi nila makakamove-on din ako, pero bakit pakiramdam ko ay hindi na 'yon mangyayari?

Bakit pakiramdam ko kasama niya ay nawala rin ang saya ko?

Nawala ang kasiyahan ko?

Bakit, nawala rin ako?

Nandito ako sa rooftop cafe at nakatulala lang, naaalala ko noong unang date namin dito. Natutuwa ako na makita siyang masaya noon, pero bakit ang bilis namang bawiin? Naaalala ko ang maganda niyang ngiti noong nanood kami ng fireworks. Hindi... siya lang ang nanonood noon. Dahil siya ang pinapanood ko noong oras na 'yon. 

Kayang kaya kong manood ng ilang fireworks, pero hindi ko kayang palagpasin na makita ang mga ngiti niya. Ang mga ngiti niya ang nagbibigay saya sa akin, kaya siguro hindi na ako magiging masaya. Hindi na ako magiging masaya dahil hindi ko na makikita ang ngiti niya.

Naalala ko noong naghiwalay rin kami rito. Nakita ko ang sarili ko at gusto kong ibalik sa dati ang lahat. Sana hindi ko siya tinalikuran, sana hindi ako umalis at niyakap siya ng matagal. Sana kahit anong tulak niya sa kin noon ay hindi ko umalis sa tabi niya.

Pero hindi eh,

Hindi ko na mababalik, dahil lahat ng 'yon,

Lahat ng 'yon, ay tapos na.

Tapos na ang kwento namin, pero bakit parang pati ako ay natapos na rin?

Napatigil ako sa pag-iiyak dahil may tumawag sa cellphone ko. Si Liam ang bumungad sa'kin, napangiti ako nang mapait. Ang mata niya ay kay Lauren, tapos na siyang operahan at nakakakita na siya.

"Hello, kuya." Napangiti ako, para ko na rin siyang kapatid.

"Bakit?" tanong ko.

"Kuya pumunta ka sa bahay, may nakita sila tungkol kay... ate." Naiiyak na sabi niya, nanlaki ang mga mata ko at tumayo kaagad.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon