Special Chapter

47 11 11
                                    

Birthday ngayon ni Lauren, ilang taon na ang nakalipas ngunit mahal ko la rin siya. Kahit kailan ata ay hindi ako titigil sa pagmamahal sa kan'ya.

Napalingon ako sa pinto nang may bumukas nito.

"Kuya, mauuna na akong bibisita sa puntod ni ate," sabi ni Liam, tumango lang ako. 

Hindi ko na nabilang kung ilang taon na siyang wala, dahil hanggang ngayon ay parang kahapon lamang siyang namatay. Ayaw ko nang bilangin, dahil buo na ang buhay ko mula pa noong nakilala ko siya.

Sa tingin ko ay lagpas dalawampung taon na rin, mula noong namatay siya. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, hinihintay ko na lang ang pagkamatay ko.

Nag-aral muli ako, dahil mas gugustuhin ko na lang na maging isang doctor. Madami akong natulungan, proud ka ba sa'kin, Lauren?

Tuwing birthday niya ay nagsusulat ako ng mensahe para sa kan'ya. Nagsusulat ako ng mga sana ko. Nagsusulat ako sa kan'ya.

Kahit kailan ay hindi ko siya malilimutan, napakahirap niyang kalimutan. Paano ko nga ba kakalimutan ang babaeng una at huling nagpatibok sa puso ko?

Paano ko kakalimutan ang babaeng nagbibigay saya sa akin? Kahit ngayon ay binibigyan niya ako ng saya, tuwing naaalala ko ang mukha niya ay napapangiti ako. Ang mga ngisi niyang nakakaakit, bakit imbis na kalimutan ko ang pagmamahal ko sa kan'ya ay lalo akong nahuhulog?

Posible bang lumalim pa ang nararamdaman mo, kung wala na ang taong mahal mo?

Sa tingin ko, hindi.

Dahil nararamdaman ko siya, alam kong nasa tabi ko siya palagi. Alam kong hindi siya nawala. Hindi niya ako iniwan, binabantayan niya ako.

Napangiti ako, kahit pala wala na siya ay ako pa rin ang iniintindi niya.

Bakit ba napakabait ng babaeng mahal ko?

Kahit na wala na siya, ramdam ko pa rin ang halik niya bago siya mawala. Ang una at huli naming halik, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Tumayo na ako at napangiti ako noong may makita akong isang cellphone. Naalala ko noong high school pa ako, nire-record ko ang mga gusto kong sabihin sa kan'ya.

Bakit kasi ang torpe ko?

Umalis na ako at pumunta na kung saan siya nakalibing. Matanda na rin ako, sa tingin ko ay kukunin na rin ako.

Para sa akin ay matanda na ang 48, bata pa 'yon sa iba, pero masaya ako na nabuhay ako nang gano'n katagal. Alam kong kukunin na ako, dahil nanghihina na ako. 

Hindi ko alam, pero bigla na lamang akong lumalakas tuwing kaarawan niya. Nagagawa ko pang pumunta kung saan siya nilibing.

Kahit siguro siya, gusto niya akong makita. Kaya binibigyan niya ako ng lakas.

Umupo ako at tumingin sa puntod niya. Napangiti ako.

"L-Lauren, kumusta ka na?" nauutal na tanong ko, hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako. Parang kakamatay niya lang.

"Lauren, mukhang susunod na ako sa'yo. Mukhang mawawala na rin ako sa mundong ito," nakangiti kong sabi at hinawakan ang puntod niya.

"Lauren, magkakasama na tayo," masigla kong sabi. 

"Akalain mo 'yon, ang tagal kong hinintay na magsama muli tayo. Ang tagal kong naghintay, pero hindi ako nabagot. Hindi ako nabagot, dahil nandiyan ang mga taong nakapaligid sa'tin." Ngumiti ako at nilagay ang cellphone ko noon, kung saan naka-record lahat noong high school ako.

"Ibibigay ko nga pala 'yan sa'yo, matagal na 'yan pero hindi ko maibigay sa'yo. Mga mensahe ko ang nakapaloob diyan. Mga mensaheng napakahirap sabihin, dahil iba ang gusto mo."

"Kahit maikling panahon lang tayong nagkasama, natutuwa ako dahil naging masaya ka. Ang sabi mo ako ang nagpapasaya sa'yo, totoo ba 'yon? Baka naman si Clove ang gusto mo," natawa ako.

"Biro lang, alam ko namang ako lang ang mahal mo," panunukso ko.

Naalala ko noon, tuwing bumabanat ako ay tinatarayan niya ako. Bakit nakikita ko pa rin ang mukha niya?

"Para na akong tanga rito, bakit ko ba kinakausap ang puntod mo? Pero alam kong naririnig mo ako, wife ko." 

"Naririnig mo ako, hindi ba? Wife ko, ang sabi mo makakahanap pa ako ng ibang babae, pero bakit hindi kita makalimutan? Bakit ikaw lang ang itinitibok nito?"sabi ko at itinuro ang puso ko.

"Alam mo bang madami ang nagkakagusto sa'kin noong nag-aral muli ako?"natawa ako.

"Ang gwapo kasi ng hubby mo, at maganda ka naman. Kaya nga bagay tayo," sabi ko.

"Nami-miss na kita sobra. Nami-miss ko na ang pagtawag mo sa'kin ng Mr. Annoying. Nami-miss ko na ang pagtataray at pag-ngisi mo. Nami-miss ko na ang maamo mong mukha, lalo na ang pagmamahal mo." Napangiti ako.

"Ang pagmamahal mo na abot hanggang langit, sobra ang sakripisyo mo sa'kin. Kaya natutuwa ako, natutuwa ako na kahit madami kang naranasan. Natutunan mo pa rin akong pagkatiwalaan, at mahalin."

"Ang sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao ay kaya mong magsakripisyo. Pero bakit..." tumigil ako at napakagat sa labi.

"B-Bakit sobra ata ang sa'yo? Bakit sobra ang pagmamahal mo? Bakit hinayaan mong masaktan ka, maging masaya lang ako? Bakit hinayaan mo akong magalit sa'yo, kahit na nasasaktan ka na?" Naramdaman kong tumulo ang luha ko.

"Natutuwa ako dahil ako ang minahal mo, pero nasasaktan ako dahil iniwan mo agad ako. 'Wag kang mag-alala, magkakasama na tayo. Mayayakap na muli kita, mahahalikan na muli kita. Makikita na muli kita..." umiiyak na sabi ko at napangiti.

"Malaya na tayong magmamahalan, dahil wala nang hadlang sa'tin. Magkakasama na muli tayo, magkakasama na tayo, wife ko."

"Wife ko, kahit kailan man ay hindi ko kinalimutan ang nararamdaman ko. Kahit kailan man ay hindi ko kakalimutan. Kahit kailan ay hindi ka nawala sa isip ko. Hindi dahil hindi ko kaya, kung hindi dahil ayaw ko. Ayaw kong kalimutan ang pagmamahal ko sa'yo." Napatigil ako at ngumiti.

"Mahal na mahal kita, Lauren. Mahal na mahal kita, wife ko."

I met her when I was 13 years old. She saved me when I was 14 years old, after what happened I realized that I liked her. After how many years, I realized that I'm already in love with her. I was 16 years old, when I found out that she likes my friend.

I never stop loving her, until the day I talked with her again, I was 24 years old that day. She became my girlfriend, but later on, we broke up. 

I got married when I was 25 years old, but she was not my wife. After one year of hating her, I found out that she never wanted to broke up with me. We met again on her birthday, but after a few days, she died. 

And now, I still can't get over her. I'm already 48 years old, yet I still love her.

She left me, but I'm happy. I'm happy that she will be gone on this scary world.

I'm always thinking,

What if you have loved me since I loved you?

What if I stayed even though you pushed me away?

What if i marry you, and not her?

What if you didn't die?

Will we have a happy ending?

And what if,

What if we had a happy ending?

———————

So 'yon nga, unting pasilip lang hihi. May clue diyan kung ano ang sequel. Baka ang sequel ay nasa 10 chapters lang. Sa ngayon ay tatapusin ko muna ang The Impeccable, bago ko ipublish 'yon. 

Kapag sinipag ako, baka nasa chaptrr 20 palang ang The Impeccable ay ipublish ko na, lol. Sana 'wag niyong kalimutan sila Lauren, baka multuhin kayo, char. 'Yon lang, maraming salamat sa inyo!

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن