Chapter Eight: Six Dates

29 14 12
                                    

Lauren

"Are you okay?" tanong ko kay Lucas, nang makita ko siyang umiiyak sa garden.


"Yeah," pagsisinungaling niya, alam na sobra siyang nasaktan.


"Wanna talk about it?" tanong ko, pero hindi siya sumagot.


"I know what happened... between you and Bea," pagpapatuloy ko pa, kahit hindi siya nasagot.


"If you wanna talk abou-" Hindi ko natapos ang sinasabi ko, dahil tumayo siya at aalis na sana. Bago pa siya makaalis ay nagsalita ako.


"Paano kung sabihin ko na kaya kong ibalik si Bea sa'yo, dahil ako ang may kagagawan nitong lahat?" Nakita kong napatigil siya at humarap sakin.


"What do you mean?" tanong niya nang nakakunot ang noo.


I have nothing to lose now,


Except him, I will lose him.


I will lose him... forever.


"Ako ang nagsabi kay dad na kayo na, hindi ba't alam mo namang bawal pa mag-boyfriend si Bea?" tanong ko at tumingin sa kanya, nakita kong napakuyom ang kamao niya.


"Why? Why did you do it?" tanong niya habang masama ang tingin sa'kin. Napangisi ako.


"Sobrang nagalit si dad, at ang sabi niya ay makipag-break siya sa'yo," patuloy na sabi ko, kunyaring hindi narinig ang tanong niya.


"What—" Hindi ko siya pinatapos at tinuloy ang sinasabi ko.


"Syempre hindi pumayag si Bea, kaya ilang araw binawi agad ni dad ang condo niya." Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang galit sa mga mata niya.


Magalit ka sa'kin, wala nang mawawala sa'kin.


Kahit na magalit ka ay mamahalin pa rin kita,


Mamahalin pa rin kita, kahit na siya ang mahal mo.


Magalit ka lang, dahil sa gano'ng paraan, ay mas madali kitang makakalimutan.


Mahal kita, pero kailangan na kitang kalimutan.


"Hangga't isang araw, ang pamilya mo na ang pinuntirya ni dad at doon nakipagbreak si Be—" bigla siyang sumingit kaya hindi ko natapos ang sinasabi ko.


"And why are you saying all of this to me?! Hindi ka ba nahihiya? Galing mismo sa bibig mo na ikaw ang may kagagawan nito!" Galit niyang sigaw.


Magalit ka lang, mahal ko.


"Well, proud pa nga ako na nagawa ko 'yon," sabi ko at ngumisi sa kanya.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now