Chapter Four: A Father

35 16 0
                                    

Lauren

"So, what happened?" tanong ni April sa akin kahit na may klase.


"I'll tell you later." Akala ko mananahimik na siya pero kalabit siya ng kalabit sa akin. Lumingon ako sa kanya.


"I said, later." Napataas ang boses ko. Nanlaki ang mga mata ni April kaya napaharap ako.


"Ms. Adair, are you listening? Do you want to go out? " Taas kilay na sabi ng aming professor na matandang dalaga, si Maldie.


"Yeah," nakangiti kong sabi at inayos ang aking gamit.


"Where do you think you're going?" pagtataray ni Maldie, kanina pa ko tinatarayan, matandang dalaga nga naman.


"Excuse me?! Saan pa ba? I'm going outside, I said yes when you asked me uhm..." Umakto ako ng parang nag-iisip at tumingin sa relo ko.


"Just a minute ago? So, why are you asking now?" tanong ko sa aking professor. Duh, common sense na lang magtatanong siya, tapos 'pag sinagot ko magrereklamo.


Nakita kong napahiya at nagulat siya, matagal ko na siyang binabastos pero bakit hanggang ngayon 'di pa rin siya sanay? Palabas na sana ako nang makita ko si April. Dinilaan pa 'ko ng bruha, siya may kasalanan nito lagot ka sakin mamaya.


Pumunta ako sa cafeteria at bumili ng chips. Narinig ko namang tinawag ako ni April, tiningnan ko lang siya ng masama. Kumuha siya ng chips ko.


"Pahingi," sabi niya habang ngumunguya. Napairap ako sa kan'ya.


"Wow, nauna pa 'yung pagkain mo kaysa sa pagpapaalam." Napangiti na lang siya sa sariling nagawa.


"Syempre baka 'di ka pumayag, madamot ka pa naman," sabi niya habang kumukuha pa rin ng chips. Kumuha rin ako pero wala ng laman.


"Ay naubos." Napakamot siya sa ulo.


"So ako pa ang madamot ha?" Ngumiti siya.


"Sabi ko nga matakaw lang ak—" Naputol ang pagdadaldal niya nang biglang may nagsalita.


"Lauren." OMG! Si Lucas! Hindi ako handa dito! Mom, I'm getting married!


"Ano ba yan nagsasalita pa ko eh, ang basto—" pabulong-bulong pa ni April pero kinurot ko siya.


"Why? Do you want me?" Napakunot ang noo ni Lucas at napangisi si April.


"What I mean is— do you want something?" Tiningnan ako ni April at bumulong.


"Moves mo ha—" bulong niya. Nakita kong napakunot lalo ang noo ni Lucas.


"The dean wants you." Seryoso ang mukha niya, nawala ang ngiti ko.


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें