Chapter Six: Bartender

29 15 0
                                    

Lauren

Wait, what the hell?!


Nawala ang gulat ko nang may tumawag sa'kin. Si April lang pala.


Babatiin ko pa lang siya, pero nauna siya. Sumigaw siya at nilayo ang tenga sa cellphone ko.


Ang ingat talaga nito!


"I know na kung sino yung Levi na 'yon! Siya yung ba—" excited niyang sigaw pero inunahan ko siya.


"Bartender," tipid kong sabi.


"Ay alam mo na pala, paano mo naalala 'yon? Kaklase nga natin hindi mo maalala 'yon pa kayang isang beses mo lang nakita?" pagtataka niya, pero seryoso pa rin ako.


"Kasama ko siya kanina—" Napahawak ako sa tenga nang marinig ko ang tili niya.


"OMG! My ship is sailing!" Napairap ako sa sigaw niya.


"Kanina mo lang siya nakita at shini-ship mo na agad ako sa kanya. You should ship me with Lucas." Tumahimik sa kabilang linya, napailing na lang ako. 


"Hey, still there?" tanong ko.


"Yeah, naiinis lang ako sa'yo kasi ayaw mong tigilan 'yang si Lucas. Girl, he's with your sister na. You should be happy for them." Napairap na lang ako.


"You know how much I like Lucas and hate Bea, right?" Narinig ko ang buntong hininga niya.


"Pero masama yan, lalo na't he's your sister's boyfriend." 


"I know, but please let me. Just this once please?" Narinig ko na naman ang buntong hininga niya.


"Bahala ka diyan, it's your choice pero sana 'wag lagi ang sarili ang iniisip mo. In every action, there's always a consequence. What if you got Lucas, but lose yourself?" pagpapaalala niya. Napaisip ako sa sinabi niya, pero kaya kong mawala lahat makuha lang si Lucas.


I'm willing to lose myself,  just to get him.


Tanga man pakinggan, pero wala na akong mawawala pa.


Nakuha na sa'kin lahat, nawala na lahat.


Napangiti na lang ako ng mapait.


"Anyway, ano itong sinabi sa'kin ni Mr. Annoying sa'kin?" pang-iiba ko ng usapan.


"Mr. Annoying?" Hindi niya nga pala kilala kung sino 'yon.


"I mean, that bartender," paglilinaw ko. 


"Oh, anong sinabi niya?" tanong niya.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now