Chapter Five: A Weird And Creepy Guy

33 15 0
                                    

Lauren

Nandito pa rin ako sa cafe at iniscroll ang news feed ko sa facebook nang may nag-add sa'kin.


Levi Enriquez sent a friend request

Confirm/Delete


Who is this? Syempre tingin muna profile bago accept, pero hindi ko nakilala. Nakatalikod kasi yung profile. Tanga, nagprofile pa nakatalikod naman. Hindi ko na lang inaccept, dahil una sa lahat ay 'di ako nag-aaccept ng hindi ko kilala, at ang pangalawa ay dahil trip ko lang.


"Hindi mo man lang ba ako iaaccept—" Nanlaki ang mga mata ko nang may magsalita galing sa likod ko. Napalingon ako sa likod ko.


"What the hell?!" Napataas siya ng kamay sa sigaw ko.


"Easy ka lang Miss, 'di mo ba ko kilala?" Tiningnan ko siya ng masama.


Seriously,lahat na lang ba ng tao tatanungin ako kung kilala ko sila?


Tanga lang, kaya nga nagulat.


"Ofcourse, what the hell? Sino ka ba?" Sumeryoso siya sa kanyang narinig, pero nagbago ang expression niya.


"Well, ako lang naman ang future husband mo," sabi niya habang nakangisi. Napataas ang kilay ko.


I don't even know him, what the hell?!


Tumayo ako at tumingin sa kanya, ngumiti ako at napangiti rin siya. Bigla akong sumeryoso.


"Ul*l!" sigaw ko saka umalis, okay what the hell was that? Anong ginagawa niya sa likod ko? That was weird and... creepy.


"Miss Adair!" Sinundan ako?! What the hell?! Sino ba siya? Bakit niya ako sinusundan?


"What are you doing? Gusto mo bang ipa-sue kita?" Tiningnan ko siya ng masama.


"Hindi mo ba talaga ako kilala?" Tinaasan ko siya ng kilay.


Tanga, paulit-ulit.


"Sabi ko na ngang hindi 'diba? Bingi ka ba o tanga lang? Unli ka?" Ngumuso siya, nandiri ako. Tiningnan ko siya nang may pandidiri.


"Hindi ka cute, yak! Umalis ka nga sa harap ko at nandidiri ako sayo. Mukha kang unggoy, excuse me," sabi ko at umalis na.


"Miss! Magkikita pa tayo! Ingat!" rinig kong sigaw niya, alam kong maganda ako at maraming nagkakagusto sa'kin, pero nakakainis ang isang 'yon.


What a weird and creepy guy.


Pauwi na ko nang maalala ko ang plano ko para makuha si Lucas, baliw man kung isipin pero kailangan. Kailangan ko siya, tanga man dahil sisirain ko ang samahan naming magkapatid, pero matagal na kaming sira. So sisirain ko na lang lalo. Papunta na 'ko sa taas nang makita ko si Liam.


"Ate kumain ka na." Nginitian ko siya pero 'di siya bumawi. Nagtatampo siguro kasi 'di ko nakain yung inihanda niya, si Manang kasi eh.


"Kumain na 'ko, Liam." Nanlaki ang mga mata ko dahil kumalam yung tiyan ko, lalo siyang sumeryoso. Wrong timing!


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ