Chapter Twenty-Five: A Mother

20 9 7
                                    

Lauren

"Natutuwa ako anak para sa'yo, pero hindi ba't bata ka pa para magboyfriend?"tanong ni dad, napangiti ako. Tapos na ang party, umalis na ang mga bwisita.

"Dad, pagbigyan niyo na ako. Kahit ngayon man lang, kahit sandali lang,"nakangiti kong sabi habang buhat si Lauren, ang aso.

Ang weird isipin na pangalan ng aso ay Lauren, mukha ba akong aso?!

"Papayagan kita, pero 'wag ka munang mag-asaw-"Hindi ko siya pinatapos.

"Dad! Grabe ka, hindi pa nga ako graduate."Natawa lang siya, malapit na nga pala kaming gumraduate. 2 weeks na lang graduate na kami!

"Anak, mahal ka ng dad mo,"nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit pero naluluha ako, ganito ba ang pakiramdam ng may ama?

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, matagal ko namang alam na may ama ako. Pero ngayon ko lang naramdaman, natutuwa ako.

"Mahal din kita, dad. Sana lagi na lang ganito, dad,"naluluha kong sabi, hinawakan niya ako sa ulo.

"Pasensya ka na at ngayon lang ako makakabawi sa'yo. Sana hindi pa huli, Lauren,"nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at ngumiti. Hinawakan niya ako sa mukha.

"Kamukha mo ang mama mo."Napatigil ako, napatingin ako sa kanya. May luha sa kanyang mga mata, bakit?

"Bak-"Hindi ako nakatapos nang may sumingit.

"Lauren, pwede ba kita makausap?" Napalingon ako at nakita ko si mom. Napakunot ang noo ko, bakit niya ako gustong kausapin?

"Sige, mom,"pilit na ngiti kong sabi.

Pumunta kami sa kwarto ko at umupo sa kama ko, hinawakan niya ako sa kamay. Napatingin ako sa kanya at naiyak siya.

"Anak," sabi niya, napatigil ako. Napatulala ako sa sinabi niya.

"Natutuwa ako at ayos na kayo ng dad mo,"dugtong niya.

"Pero sana, magkaayos rin tayo,"naluluha niyang sabi. Naluluha rin ako, pero pinigilan ko.

"Kamukha mo siya," sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Lalo siyang napaiyak, hindi ko na napigilan ang luha ko.

Galit ako sa kanila, pero bakit hindi ko kayang makita silang umiiyak?

"Kamukha mo ang babaeng kinaiinisan ko, kamukha mo ang babaeng pinakamamahal ni Ray,"sabi niya habang umiiyak, napatulala ako. Anong ibig niyang sabihin?

"Anong..."Hindi ko matapos ang sinasabi ko dahil napatulala lang ako.

"Kamukha mo ang kaisa-isang tao na minahal ng dad mo, kamukha mo siya. Kamukha mo ang mama mo." Napaiyak ako sa sinabi niya. Ang ibig sabihin, hindi siya minahal ni dad?

"Napuno ako ng galit noon, galit na galit ako. Ikaw ang bunga nang pagmamahalan nila, anak. Ang totoo, dapat sila ang ikakasal."Napatingin siya sa bintana.

"Pero, sinira ko sila. Sinira ko ang relasyon nila dahil sa galit ko. Ang tanga ko, ang tanga ko kasi hindi ko naisip ang mararamdaman ng kaibigan ko,"sabi niya, napatulala ako. Kaibigan?

"A-Anong kaibigan?"nauutal na tanong ko.

"Magkaibigan kami ng mama mo noon. Nasira ang pagkakaibigan namin dahil mahal ko si Ray. Ginawa ko ang lahat para masira sila, mahirap lang ang mama mo kaya madali ko siyang napatalsik sa campus." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Pero kahit na hindi na nag-aaral si Lauren," Tumigil siya. Alam kong ang Lauren na tinutukoy niya ay ang mama ko.

"Nagkikita pa rin sila, walang makapaghiwalay sa kanila. Kaya pinutol ko ang ugnayan nila, gamit ang yaman ko. Pinakiusapan ko ang dad ko para ipakasal ako kay Ray. Doon, pumayag ang mga parents namin pero nagrebelde si Ray. Galit na galit ako, kaya pinalabas kong may iba si Lauren,"umiiyak na sabi niya. Naramdaman kong tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now