Chapter Eleven: Car Accident

28 13 7
                                    

Levi

Nakamotor ako ngayon at matagal ko nang pinag-isipan ang pag-amin kay Lauren. Simula nang umalis si April, hindi ko na nakausap si Lauren.


Nakapagdesisyon na ako na aamin ako kay Lauren, kaya papunta sana ako sa bahay nila ngayon. Hindi ko alam kung bakit ngayon pang gabi, pero siguro kapag pinagbukas ko pa ay mawawalan ako ng lakas ng loob.


Pero bakit ngayon pa nag-traffic?! Bwisit naman!


"May aksidente raw," sabi ng isang lalaki.


"Oo, nagbunggo ng truck ang isang kotse." Napalingon ako, dalawang tricycle driver na nag-uusap.


"Oo, lasing pala ang nagda-drive ng truck. Dalawang tao raw ang nasa loob ng kotse, isang babae at isang lalaki," sabi pa ng isa.


"Grabe! Paano mo naman nalaman 'yan?" tanong ng isa.


"Pangalawang balik ko na dito pare," sabi ng isa. 


Bigla akong kinabahan, nakita ko ang kapatid ni Lauren na magkasama kanina. Hindi kaya? No,erase. Hindi maaari, kanina pa 'yon.


Para mawala ang kaba ko ay titignan ko na lang, pinarada ko ang motor ko sa gilid at naglakad.

 

"Kawawa naman ang mga nakasakay sa kotse, samantalang yung driver sa truck walang galos." rinig kong sabi ng isa. Napalingon ako sa kanila.


"Oo, lasing kasi, siguro nagising nung mabunggo niya ang kotse," sabi ng isang ale.


"Ang dapat diyan ay kinukulong, hindi dapat nagda-drive ang lasing," Iinis na sabi pa ng isa, nilapitan ko sila.


"Mga ale, ano po bang kulay ng kotse?" tanong ko sa kanila at napalingon sila.


"Blue iho, dalawa silang nakasakay doon. High school ata ang isa dahil nakauniform siya ng katulad noon," sabi niya at tinuro ang batang nakasakay sa tricycle. Nanlaki ang mga mata ko, uniform 'yon ng kapatid ni Lauren.


Tumakbo ako at narinig kong sumisigaw ang mga ale. Hindi, hindi pwede! Lauren, hindi ikaw 'yon!


Nakarating ako kung saan ang aksidente, tama nga ang sabi nila may truck at isang kotse. Napatingin ako sa kotse, bumagsak ang balikat ko. Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko.


Anong...


Bakit...


Parang gumuho ang mundo ko no'ng nakita ko ang kotse niya.


Nakita ko pa ang basag na bintana at ang mukha niya. Para lang siyang natutulog,


Pero sana, natutulog nga lang siya.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now