Chapter Twenty-One: Dinner

19 12 7
                                    

Levi

Nakangiti ako ngayon matapos umalis ni Lauren. Ano ba ang sinasabi nilang 'butterflies in my stomach'? Ito ba ang nararamdaman ko ngayon?

Ang bakla ko, yak!

Nakangiti pa ako nang mapatingin ako kay Clove. Tiningnan ko siya ng masama, ngumiti naman siya ng pilit.

"Akala mo ba hindi na ako naiinis sa'yo?"tanong ko at tinarayan siya. Nanlaki ang mga mata ko.

Bakit nangtataray na rin ako? Lauren kasalanan mo 'to, hinawaan mo ang love mo.

"Alam ko, sorry talaga. Gusto ko si Lauren, pero wala na akong magagawa dahil huli na ako." Napatayo siya at lumapit sa'kin.

"Ikaw na ang gusto niya, kaya 'wag mo siyang sasaktan ha?"sabi niya at tinapik ako sa balikat. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Ako na daw ang gusto ni Lauren? Talaga!

"Clove," tawag ko sa kanya, lumingon siya sa'kin.

"Bakit?"tanong niya, ngumiti ako ng tipid.

"Hindi na kita kaibigan, pero salamat," nakangiti kong sabi at tinapik siya sa balikat. Umalis na ako at napangiti.

Ako ang unang umalis, ako ang panalo.

Natawa na lang ako sa sarili ko, bakit ang saya ko ngayon? Ito siguro ang epekto ni Lauren sa'kin. Bakla man pakinggan pero sino ba namang hindi kikiligin?

Sinabi ba naman ng babaeng gusto mo na gusto ka niya, at sa harap pa ng lalaking gusto niya noon.

Sinong hindi kikiligin doon? Baka nga pati ang pinakamanhid sa mundo ay magtatalon-talon sa narinig niya.

Bigla akong napaisip sa sinabi ni Lauren. Diba ang sabi niya ay noong mga panahon na ilag ako sa kanya, doon niya na-realize na ako pala ang gusto niya?

Paano kaya kung magpa-miss ako sa kanya?

Bigla akong natawa sa sarili ko. Baka ako ang maka-miss sa kanya. Hindi ako nagmamadali pero parang may hinahabol akong oras. Parang gusto ko madaliin ang lahat at gawin ko siyang asawa.

Napailing at napatawa na lang ako, masyado atang mabilis kapag asawa. Girlfriend muna, bigla akong napangiti nang maisip ko ang salitang 'yon. Bakit parang may humihila sa'kin para magmadali? Ewan ko na...

Ilang weeks akong hindi nagparamdam kay Lauren, ang hirap niyang tiisin. 

Napagplanuhan ko na lahat kasama si April. Tuwang tuwa naman siya sa narinig niya.

"Masyadong mabilis, pero okay lang naman. Basta 'wag mong sasaktan ang kaibigan ko ha? Manok pa naman kita, baka masisi pa ako," natatawa niyang sabi, natawa rin ako.

"Syempre naman, ako pa ba? Manok mo ata ako." Napatawa naman siya at kinotongan ako.

"Aba, may confidence ka na rin. Hindi porket wala ka nang kaagaw ganyan ka na," sabi niya habang nailing, natawa naman ako.

"Malamang, kapatid ko ang kaagaw ko." Napatawa naman siya.

"Sorry, bigla ko lang naalala si Lauren dati." Natatawa niyang sabi, umiling ako at kinotongan siya.

"Ikaw talaga, tara na nga anong oras na oh," sabi ko at pinakita sa kanya ang relo ko, 1:13 am na.

Nakarating kami dito sa bahay nila Lauren ng 1:25 am. Sumalubong agad ang kapatid niya sa'kin. Napakunot ang noo ko.

"Hello Liam!"masiglang bati ni April, ngumiti lang si Liam.

"Teka, alam niya ba?"Ngumiti si April at tumango.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon