Chapter One: Heartbreak?!

60 20 17
                                    

Lauren

"Hoy!" rinig kong tawag ni April, ang matalik na kaibigan ko. Napalingon ako, ngumiti siya.


Nandito kami sa isang cafe, kakaunti lang ang tao rito kaya ito ang tambayan namin.


"Nandito ka na pala," gulat na sabi ko.


"Kanina pa, Lauren." Napatingin ako sa relo. 6:05 pm na ha. Six pm naman usapan namin? Anong trip nito?


"Huh? Anong kanina pa? Kahit kailan 'di ka maaga dumating," nakangiwi kong sabi. Kahit kailan 'di ko kakalimutan ang pagiging late mo palagi.


"Grabe ka naman! Five minutes lang! At ang ibig kong sabihin ay kanina pa—kanina ka pa tulala na parang tanga," paliwanag niya habang ginagalaw ang mga kamay na parang nagtuturo, teacher ka ba?


"Alam mo naman na ayaw ko sa late," sabi ko nang seryoso.


Kahit na ilang minuto kang late ay ayaw ko, ganu'n ako kaarte.


"Anyway, bakit ka nga ba tulala?" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Akala ko ba alam niya na?


"Excuse me, hindi ako tulala. Nalaman ko lang kasi 'yung tungkol kila Lucas at Bea," sabi ko nang seryoso.


"So you heard the news huh? Are you okay?" tanong niya na parang balisa. Napangiti ako nang mapait.


Sinong magiging okay?


"I'm there," mahina kong bulong, napakunot ang noo niya.


Nakita ko ang lahat, nakita ko kung paano siya tanungin ni Lucas.


"What?" Tumango ako, nakita ko ang awa sa mukha niya.


"Yeah, pero 'di ko maiwasang isipin kung bakit sa lahat ng tao si Bea pa—" Tinakpan niya ang bibig ko. Tiningnan ko siya ng masama, kadiri.


"Sa susunod na natin pag usapan yan." Inalis niya na ang kamay niya.


"Eww! Germs! Disgusting shit," nakangiwi kong sabi. Tingnan niya ako ng masama.


"Pasalamat ka nga pumunta ako dito. Anyway, I will help you forget Lucas for the night. Let's go."


"Where to?"


"Let's go to the bar. Since this is your first heartbreak—"


"Heartbreak? What the hell?" inis na sabi ko, napangiti lang siya.


"Duh? Kung makaasta ka parang hindi." Hinila niya na ako, kaya wala na akong nagawa.


Okay, let's forget Lucas tonight!


Nakarating na kami sa bar, at tuwang tuwa siya. Kung maka-asta siya ay parang walang boyfriend. Napailing na lang ako, ganyan talaga siya.


"Kuya bartender, ano ba ang magandang inumin ng kaibigan kong sawi sa pag-ibig." Tiningnan ko siya ng masama. Napangiti siya, kinurot ko siya. Nag-reklamo siya sa ginawa ko, tiningnan ko lang siya ng seryoso.


"Totoo naman, kaya 'wag ka nang mag-deny." Napa-kunot ang noo 'ko nang marinig ko ang mahinang tawa ng bartender.


"Excuse me, why are you laughing?" Nakataas kilay kong tanong, napailing siya at ngumiti.


Tinignan ko siya at nagulat ako. Ang gwapo niya. Matangos ng ilong niya, singkit ang mata niya, mapula ang labi niya, at maskulado ang katawan niya. Kahawig niya si Lucas pero mas gwapo pa rin si Lucas sa paningin ko. Naa-aattract man ako sa iba pero siya pa rin talaga.


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now