Chapter Twenty-Six: Just Like A Movie

24 10 7
                                    

Levi

Inihatid ko na si Lauren pauwi. Nag-aalala ako sa posibleng mangyari, pero alam kong hindi matutuloy ang kasal na 'yon. Hindi ako papayag na ikakasal ako sa babaeng hindi ko mahal. 

Kay Lauren lang ako ikakasal, sa kanya lang. Siya ang babaeng mahal ko at siya,

Siya ang happy ending ko. 

"'Wag ka mag-alala ha? Aayusin ko kung ano man ang problema,"nakangiti kong sabi sa kanya, napangiti rin siya sa'kin.

"Hindi ako nag-aalala, alam kong maaayos ang lahat. Maaayos ang lahat, Levi ko."Napatigil ako at napatitig sa kanya. Napangiti ako at niyakap siya.

"Mahal na mahal kita, Lauren." Niyakap niya ako pabalik.

"Mahal na mahal din kita, Levi." Bumitaw na ako sa yakap, at nakita kong napaluha siya.

"Bakit ka naiyak?"pagtataka ko, umiling lang siya.

"Kasi mamimiss kita," simpleng sabi niya, natawa ako. Napangiti lang siya at niyakap muli ako.

"Magkikita pa naman tayo bukas, wife ko." Napangiti siya at tumango.

Umuwi na ako at bumungad agad si Scarlett.

"Hey, King." Tiningnan ko siya ng masama, napangiti lang siya.

"Kumusta naman kayo ng babae mo,"tinaasan ko siya ng kilay, natawa naman siya.

"Babae ko naman talaga siya, so get out of my sight."Lalo siyang natawa, hinawakan niya ako sa mukha pero tinapik ko ito.

"Hindi ko alam na bakla pala ang mapapangasawa ko," sabi niya habang nakangisi, hindi ko na lang siya pinansin.

"Hindi mo ba ako naaalala, King?"tanong niya, maglalakad na sana ako nang magsalita siya.

"Let's see kung sino ang pipiliin mo, pamilya mo ba o ang babaeng mahal mo?" rinig ko pang tanong niya, pero hindi ko siya pinansin.

Pumunta ako sa kwarto nila mama at nakita ko si papa sa balcony.

"Pa?"tawag ko sa kanya, tumingin siya sa'kin at ngumiti ng pilit.

"Tara dito, anak."Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"Pasensya ka na anak,"sabi niya, napatingin lang ako sa kanya.

"Hindi ko gustong ipakasal ka sa hindi mo mahal, pero kailanga—"Hindi ko siya pinatapos.

"Papa, kahit anong sabihin mo ay hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yan,"pagmamatigas ko, napangiti siya at inakbayan ako.

"Paano kung sabihin ko sa'yong, may sakit ang mama mo?"Napatulala ako, nakita kong napaluha siya.

"A-Anong ibig niyong sabihin?"nauutal na tanong ko, pinunasan niya ang mata niya at ngumiti.

"Anak, may sakit sa puso ang mama mo. M-Matagal na, m-matagal na rin siyang nahihirapan."Nilagay niya ang kamay niya sa mukha niya. Napatulala ako at napaluha.

"Pero, b-bakit? Hindi ba't may sarili naman tayong company, may pera tayo pampagamo—"Hindi niya ako pinatapos.

"Dati, dati anak. Ang kompanya natin ay hindi bumagsak dahil sa tulong ng Smith, dahil sa tulong ng pamilya nila. Okay lang naman tayo noon, pero nagkasakit pa si Lucas. Lalo tayong nagkulang, lalo tayong humirap. Tinulungan tayo ng mga Smith dahil matagal ng magkaibigan ang pamilya natin sa kanila."Napatingin siya sa'kin.

"Ang sabi nila ay sila na ang bahala pampa-opera sa mama mo, pero kailangan kang ikasal sa nag-iisa nilang anak."Napatingin ako sa malayo, pero hinawakan niya ako sa balikat.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now