Chapter Twenty-Seven: Love Is A Curse

27 11 8
                                    

Lauren

Nilagyan niya ako ng kwintas. Bakit ang sakit? Levi, ang sakit sakit.

"Bagay sa'yo," sabi niya habang nakangiti, napangiti ako ng mapait. Naramdaman kong tumulo ang luha ko, nawala ang ngiti niya at napalitan nang pagkakunot noo.

Levi...

"Bakit? Ayaw mo ba?" kinakabahang tanong niya,umiling ako. Gustong gusto ko ito, Levi. Napakagat ako sa labi.

Levi, sorry...

Mukhang hanggang dito na lang tayo.

"Hindi, gusto ko. Gusto ko... pero ayaw ko na." Napatigil siya at tumingin sa'kin.

"A-Anong..." Hindi niya matapos ang sinasabi niya dahil tuluyan na akong umiyak. Lauren, 'wag kang umiyak. Ipakita mong hindi mo na talaga siya mahal, 'wag kang umiyak.

"Levi, ayaw ko na-" Hindi niya ako pinatapos.

"Anong ayaw mo na? Lauren? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan niyang tanong.

Gusto kong ibalik sa dati, Levi.

Gusto ko ibalik kung kailan kinukulit mo pa ako.

Gusto ko ibalik ang lahat sa dati, para mahagkan kita ng mas matagal.

"Levi, maghiwalay na ta-"Hindi niya ako pinatapos at natawa siya, napatingin ako sa kanya.

"Nagbibiro ka lang diba?" natatawa ngunit lumuluha niyang tanong. Gusto kong umiyak, gusto kong ilabas ang sakit. Pero hindi pwede, lalo siyang masasaktan.

Sana nga ay nagbibiro na lang ako.

"Hindi, hindi." Paulit-ulit akong umiling, napakagat ako sa labi, pinipigilan na umiyak.

"Ayaw ko na, Levi. M-Maghiwalay na tayo, hindi na kita mah-"Hindi niya ako pinatapos, niyakap niya ako. Tinulak ko siya, napaiyak siya lalo.

Gusto kong gumanti sa yakap mo, Levi.

Gusto kitang yakapin buong magdamag, hinding hindi ako magsasawa.

Pero bawal, bawal lalo na't alam kong masasaktan ka lang.

"H-Hindi, nagbibiro ka lang. Alam kong m-mahal mo ako, hindi ba? D-Diba? L-Lauren, mahal mo ako diba?" umiiyak na tanong niya, umiling ako ng umiling.

Lahat ng sinabi ko may rason, Levi.

Lahat ng sinabi ko ay hindi totoo.

Lahat ng sinabi ko ay puro kasinungalingan, dahil mahal kita.

Mahal na mahal...

"Hindi, hindi na kita mahal. Sawa na ako sa'yo, ayaw ko na sa'yo. Layuan mo na ako, hindi na kita mahal." Pagmamatigas ko, napaiyak siya at napailing.

'Wag mo na akong pahirapan Levi,' wag mo na ring pahirapan ang sarili mo.

Levi, hindi tayo pwede.

"L-Lauren..." Tiningnan niya ako sa mata, kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa pisngi niya. Napatingin ako sa malayo.

Paano na lang kita matitiis kung ganiyan ka?

Paano na lang kita iiwan?

"H-Hindi," sabi niya, napatigil siya at napahikbi. Gusto ko siyang hawakan, yakapin, at halikan. Gusto ko siyang samahan hanggang sa pagtanda,

Pero mawawala na ako.

Maglalaho na ako sa mundong ito.

Malapit na akong mamatay.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now