Chapter Ten: Happiness

31 14 8
                                    

Lauren

Ilang weeks na ang nakalipas, pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Clove, kailan pa siya nagkagusto sa'kin? Bakit hindi ko nahalata?


Manhid na ba talaga ako?


Sa tingin ko hindi, dahil naka-focus lang ako kay Lucas.


Naka-focus lang ako sa kan'ya, na nakalimutan ko ang mga tao sa paligid ko.


"Lauren..." Bigla akong napalingon kay Lucas, oo nga pala ito ang panglimang date namin. Nandito kami sa rooftop ng school ngayon.


"Bakit?" tanong ko nang nakangiti.


"Pwede ba ako magtanong?" Napatango naman ako.


"Mayaman ka at nakukuha mo ang lahat ng gusto mo, pero bakit wala akong nakikitang saya sa mata mo?" Napatigil ako, concern ba siya? Napangiti ako.


"Walang malisya,  I'm just curious," pag-eexplain niya, nawala ang ngiti ko. Umiling ako.


"Hindi totoo 'yan," sabi ko at tumingin sa mga estudyante sa baba.


"Ang alin? Na walang saya sa mata mo?" Napailing ako at ngumiti.


"Hindi totoong nakukuha ko ang lahat ng gusto ko," sabi ko at napangiti.


"Yung happiness, kahit kailan hindi ko nakuha 'yon sa bagay na nakukuha ko. Walang bagay ang nagpapasaya sa'kin, dahil siguro nasanay ako na lahat ay nakukuha ko, kaya siguro naiinggit ako sa mahihirap." Napalingon ako sa kanya at ngumiti ng malungkot.


"Yung mahihirap, kaunting bagay lang natutuwa na, hindi katulad ko. Kahit anong bagay ang ibigay sa'kin ay parang wala lang. Oo, alam ko na depende 'yon sa tao pero mostly ang mahihirap talaga ang nakaka-appreciate ng lahat," sabi ko at nakita kong napatango siya.


Binibigay sa'kin nila dad, ang lahat ng gusto ko,


Pero, bakit hindi nila magawang ibigay ang atesyon nila sa'kin?


Bakit hindi nila ako bigyan ng pagmamahal?


Bakit hindi nila ako bigyan ng pansin?


Bakit hindi nila ako bigyan ng lakas ng loob?


Bakit hindi nila ako bigyan ng magulang?


"Naiinggit ako sa mahihirap na may masasayang pamilya, wala silang pera pero masaya sila. Ang gusto ko lang naman, ay mahalin at tanggapin ako ng parents ko sa kung sino ako, pero parang wala na ring pag-asa dahil ako mismo ang sumira sa sarili ko." Naramdaman kong tumulo ang luha ko.


Bakit ba nagiging iyakin na ako?


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now