Lauren
---Flashback---
Napatigil ako nang makita ko si Levi, bumaba siya pero nakatitig lang ako sa kan'ya.
"Ito nga p—" Hindi ko pinatapos ang mama ni Lucas dahil nagsalita ako.
"Ako nga pala ang girlfriend ni Lucas," sabi ko habang nakangiti. Inabot ko ang kamay ko sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Nakita ko ang sakit sa mata niya.
Sorry, ayaw kitang masaktan lalo.
Ngumiti sa'kin si Lucas at ngumiti ako pabalik, nang pilit.
"Wala po akong gana kumain," sabi niya pa at umakyat. Nasasaktan ako para sa kanya, pero ito lang ang paraan para makalimutan niya ako.
"Lauren," Biglang sabi ni Lucas, napalingon ako.
Bakit nakalimutan ko siya? Ano ang mararamdaman niya kung ginamit ko siya para protektahan si Levi, pero paano siya?
You're not thinking, Lauren.
"Bakit?" tanong ko pero napangiti lang siya.
"Hatid na kita sa inyo," nakangiting sabi niya. Nagsabi pa ang parents niya na dito na ako kumain, pero tumanggi ako.
Lumabas na kami pero tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Napatigil rin ako at napaiwas ng tingin.
Nahihiya ako dahil ginamit ko siya.
"Pwede bang maglakad na lang tayo?" nakangiti niyang tanong.
"Per—" Hindi ako nakatapos sa pagsasalita nang sumingit siya.
"Please," sabi niya, napatango na lang ako.
Nagiguilty ako.
Naglalakad na kami at nandito na kami sa may tulay, napatigil ako. Hindi ko alam, pero parang familliar ang lugar na ito. Napangiti ako,
Pero bakit nalulungkot ako sa lugar na ito?
"Lau—" Nagsalita si Lucas pero hindi ko siya pinatapos.
"Pasensya na kanina, Lucas. Nadala lang ako sa emosyon ko, sana 'wag mong ma-misinterpret. Wala na talaga akong feelings sayo at wala na tayong cha—" Napatigil ako sa ginawa niya. Sumampa siya sa tulay at ngumiti sa'kin.
"Kung iiwan mo lang rin ako, mabuti pang mamatay na ako." Nanlaki ang mga mata ko. Anong ibig niyang sabihin na iiwan ko siya?
"Hindi naman totoo 'yon, Lucas. Hindi kita iiwan dahil hindi naman naging tayo. Please,'wag kang tatal—" Hindi ako nakatapos nang humakbang siya ng isa. Natatakot ako, natatakot ako dahil malapit na siyang mahulog.
YOU ARE READING
The Sinner (Disastrous Love, Series #1)
General Fiction"I have many ways to make him fall for me, so wait for it bitch." -Lauren Jae Adair Lauren had loved Lucas for years. She had no courage to confess it-until the day she's waiting for came. She planned to confess her love for him, but instead of conf...