Chapter Twenty-Three: I'm Yours

22 12 5
                                    

Lauren

"Lauren, bakit sobra akong nahulog sa'yo?" tanong ni Levi, napaiwas ako ng tingin.

Required bang sabihin 'yan? Ang awkward, mygad!

"Manahimik ka nga diyan, ang awkward!" sigaw ko, natawa siya at kinurot ako sa pisngi. Nandito kami sa rooftop cafe, ang favorite place namin. Limang araw na ang lumipas mula noong nag-date kami.

"Ang sweet mo talaga!"sigaw niya habang nailing. Napatawa lang ako, pero bigla siyang napatigil.

"Bakit?"tanong ko, napatitig siya sa mukha ko at nawala ang ngiti ko.

"Ang cute mo kasi,"nakangisi niyang sabi,napangiwi ako.

Lahat na lang ba, cute sa kanya?!

"Nababaliw na ata ako, lahat na lang nang ginagawa mo ang cute sa paningin ko. Pinapabaliw mo ako Lauren, kaya dapat gamutin mo ako,"nakangiting sabi niya, napakunot ang noo ko.

"Lah, baliw ka ba? Anong gamo—"Hindi niya ako pinatapos, niyakap niya ako.

"Ito, ito ang gamot ko. Ang yakap mo, binibigyan ako ng lakas," sabi niya, sa gulat ko ay natulak ko siya, kaya nahulog siya sa upuan.

Binibigyan ko nga siya ng lakas, pero ako ang nanghihina sa mga ginagawa niya!

"Aray ko naman! Bakit ka ba nanunulak?"umiiling na tanong niya, napangiwi lang ako.

"Paano ay bigla ka na lang nangyayakap diyan, ginugulat mo ako." Tiningnan ko siya ng masama at tumawa siya.

"Sige, sa susunod magpapaalam na ako," nakangiti niyang sabi. Napangiwi na naman ako.

Ano ba naman 'to!

"Nakakainis ka! Manahimik ka na nga lang,"sabi ko. Tumawa siya at tumango-tango.

"Okay tatahimik na ako, wife ko." Tiningnan ko na lang siya ng masama.

"Hindi ko alam kung bakit kita sinagot,"umiiling na sabi ko. Napabuntong hininga ako at natawa siya.

"Dahil gusto mo ko,"sabi niya. Napasapo na lang ako sa noo ko. Suko na talaga ako dito.

Kinabukasan ay may pasok kami, kasama ko ngayon si April sa cafeteria.

"Ano na nangyari sa inyo ni Levi?" tanong ni April, napangiti ako.

"Makatanong ka naman, wala pa nga kaming one month. Syempre maayos, as usual siya pa rin ang sumisira sa araw ko at," sabi ko habang nailing.

"At?"tanong niya  napangiti ako.

"At bumubuo ng araw k—"Hindi ako nakatapos nang tumili siya.

"Hala, OMG!  Ang harot niyo!"natatawa niyang sabi, kinotongan ko siya.

"Bwisit ka! Pero totoo nga,"nakangiti kong sabi.

"Totoong ano? Totoong maharot kayo?" tanong niya, tiningnan ko siya ng masama.

"Leche, ang ibig kong sabihin totoo nga na tama na siya."Napangiti siya at tumango.

"Hindi ko alam, kahit bago pa lang kami. Alam kong nasa tamang tao na ako,"sabi ko habang nakangiti, ngumiti siya at pinalo ako sa braso.

"Bakit ako ang kinikilig?!"sigaw niya, natawa lang ako.

"Iba talaga si Levi, bigla ka na lang naging mabait." Natawa ako at kinotongan siya.

"Grabe ka! Kaya ko naman maging mabait kahit wala si Levi,"sabi ko.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora