Chapter Seventeen: King Levi

25 12 8
                                    

Levi

Pasakay na ako sa motor 'ko nang may tumawag sa'kin. Napalingon ako, napatigil ako sa nakita ko.


"Anak," sabi niya, napaiwas ako ng tingin.


Bakit nandito siya?


Paano niya ako nahanap?


"Galit ka pa ba sa'kin?" tanong niya, si papa ang nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam ang sasabihin ko.


"Pasensya ka na, wala na ako sa kontrol noon." Umiyak at lumuhod siya. Gusto ko siyang patayuin, pero hindi ako makagalaw sa pwesto ko.


"Pasensya na anak, alam kong hindi mo na ako mapapatawad. Ang sasabihin ko lamang sa'yo, ay hindi kami ang tunay mong magulang." Napatingin ako sa kanya nang may nanlalaking mata.


"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, napangiti siya.


"Ang totoo niyan, kinuha ka namin." Napatigil ako, anong ibig niyang sabihin?


"Nangangailangan kami ng pera noon kaya naisipan namin na kunin ka, pero napamahal sa'yo ang mama mo." Nakita kong tumulo ang luha niya,napatulala ako.


"Anong..."hindi ako nakatapos sa pagsasalita, dahil naramdaman kong tumulo ang luha ko.


Pagdating sa mama ko ay mahina ako.


"Patawarin mo sana kami anak, patawad." Umiling ako, at napasuklay sa buhok ko.


"Kung gano'n, nasaan sila?" Tumayo at ngumiti siya.


"Anak?" Napatigil ako, napalingon ako at familiar sila. 


Kilala ko sila,


Sila ang mga magulang ni Kai.


"Ikaw, ikaw ang anak ko?" umiiyak na tanong ni Tita Kate, ang mama ni Kai.


"Tita—" hindi ako nakatapos ng sinasabi nang yakapin niya ako.


"'Wag mo na akong tawaging tita, mama na lang." Napaluha ako, na-miss ko magkaroon ng isang ina.


"Pwedeng ako naman, Kate?" biglang tanong ni Tito Louie.


"Tito—"hindi na naman ako nakatapos nang sinasabi, nang yakapin niya rin ako.


"Papa na lang, papa na lang anak." Nakangiti niyang sabi. Naramdaman kong tumulo ang luha ko.


Hindi ko akalain na magkakaroon muli ako ng magulang. 


The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now