Chapter Twenty: Girlfriend

21 12 5
                                    

Lauren

Simula ng araw na 'yon, lagi na kaming magkasama ni Levi. Syempre, kasama rin namin si April na laging nagrereklamo. Papasok na sana ako ng school nang makita ko si Liam na kumakain.

"Liam, sabay tayo," nakangiti kong sabi. Ngumiti lang siya ng pilit, ilang araw siyang hindi pumasok sa school dahil nahihiya raw siya. Napaiyak ako nang marinig ko 'yon galing sa kanya, naaawa ako sa nangyari sa kanya. Kumain na kami at maya-maya ay nagsalita siya.

"Papasok ka na ba sa school, ate?"tanong niya.

"Oo, Liam. Aalis na ako, ingat ka,"sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Pasakay na sana ako sa kotse ko, pero may nag-doorbell kaya binuksan ko ang gate.

"Sin—" Napatigil ako sa nakita ko. Nakita ko si Levi.

Anong ginagawa niya dito?

"Ako na ang maghahatid sayo," sabi niya nang nakangiti. Sa sobrang gulat ko ay nasara ko ang gate at nagtago sa likod ng poste. Narinig ko ang tawa niya.

"Saka ka na kiligin kapag tayo na," tumatawa niyang sabi. Napakunot ang noo ko at binuksan ulit ang gate. tiningnan ko lang siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

"Baka nakakalimutan mong ako ang babae, ako ang may karapatan na sabihin kung magiging tayo ba. Kaya 'wag kang confident masyado," pagtataray ko sa kanya. Napangiti lang siya at hinila ako.

"Ano ba!" sigaw ko pero nilagyan niya ako ng helmet, napatingin ako sa malayo.

Baka langgamin kami nito!

"'Wag ka nang maingay, male-late na tayo sa kasal natin," natatawa niyang sabi,nag-init ang pisngi ko at hinampas siya.

"Diba ang sabi ko sa'yo,saka ka kiligin kapag tayo na?" Nakangisi niyang sabi at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napaiwas ako ng tingin.

"S-Sinong nagsabing kinikilig ako?!" nauutal na sabi ko. Tumawa lang siya at sumakay na sa motor. Napairap ako, leche.

Nakakahiya!

Leche ang epekto mo sa'kin, Levi.

"Tara na, Lauren ko," sabi niya at ngumiti. Sumakay na ako sa motor niya. Hindi ko mapiligin na ngumiti dahil sa sinabi niya.

Ano bang trip nito ngayon?!

"Kumapit ka," sabi niya, napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Diba ang sabi ko sa'yo, sanay na ak—" Napatigil ako, dahil kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya sa bewang niya. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Kumapit ka at baka mahulog ka sa'kin," natatawa niyang sabi. Corny siya,

Corny siya pero bakit kinikilig ako?

"Ang corny mo," pagtataray ko sa kanya.

"Corny, pero pinakilig ka ng mga sinasabi ko," sabi niya habang nakangisi. Pinaandar niya na ang motor.

Nandito na kami sa school at pinagtitinginan kami ng tao, pero siya walang pakielam. Ako din naman, sanay na akong pinag-uusapan ako.

"Hoy, Lauren!" Napalingon ako at nakita ko si April. Lumapit siya dito at tiningnan kaming dalawa ni Levi.

"Aba, may paghatid sundo pang nalalaman. Wala naman kayong label," natatawa niyang sabi, napailing na lang ako.

"Paano, sagutin ko daw siya eh hindi pa nga nanliligaw," biro ko pa at napatawa, napatingin ako kay Levi. Seryoso siyang nakatingin sa'kin, napakunot ang noo ko.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now