Chapter Sixteen: Only A Friend

22 12 8
                                    

Lauren

"Welcome back!" Napangiti ako nang sumigaw si Levi. Gabi na ngayon at pauwi na ako nang bigla siyang sumulpot sa harap ko.


"Aba, nag-improve ka na. May pangiti-ngiti ka na sa'kin, gusto mo na ba ako?" biro niya, nawala ang ngiti ko at inirapan siya.


"Excuse me, ako magkakagusto sa'yo? No way!" sigaw ko at nakita kong natawa siya.


"'Wag kang mag-alala, hindi na ako umaasa," nakangiti ngunit malungkot niyang sabi. 


Napatahimik ako, aaminin ko naawa ako sa kanya. Kahit papaano ay naging kaibigan ko rin siya. Natuwa ako, dahil ayaw ko siyang masaktan, mamamatay na ako at masasaktan lang siya kung umasa pa siya.


Natutuwa akong hindi na siya aasa.


"Hoy! Bakit bigla kang sumeryoso, nagbibiro lang ako," sabi niya pa habang kumakamot sa ulo.


"'Wag ka nang umasa, I'm sorry," deretsahan kong sabi sa kan'ya. Napangiti siya ng mapait at hinawakan ako sa ulo.


"Alam kong hanggang magkaibigan lang tayo," sabi niya pa, napangiti ako. Bihira akong makakita nang taong ganito, kahit ako ay selfish pagdating sa pag-ibig.


Hindi ko ata kayang pakawalan ang minamahal ko,


Lalong hindi ko kayang magparaya.


"Tara date tayo," sabi niya at hinila ako.


"Hey! Bitawan mo ako!" sigaw ko pa pero ngumiti lang siya sa'kin. Dinala niya ako sa rooftop cafe. Hindi ko alam kung bakit dito. Napakunot ang noo ko.


"Bakit tayo nandito?" tanong ko pa sa kanya, ngumiti siya at nilapit ang mukha sa'kin. Napaatras ako, kung dati ay wala akong pakielam ngayon ay iba na.


"Malalaman mo rin mamaya," sabi niya habang nakatitig sa'kin.


"Don't stare at me, dude!" sigaw ko pa habang nakaturo sa mga mata niya.


"Bakit? Naiilang ka ba?" tanong niya, at lalo akong tinitigan. Napairap ako.


Ilang niya mukha niya.


"Hindi porket magkaibigan na tayo ngayon ay ginaganyan mo na ako," sabi ko at tiningnan siya ng masama.


"Ang cute mo talaga!" sabi niya, napairap ulit ako.


"Pwede ba, tigil-tigilan mo ako sa mga ganyan mo," sabi ko at napatingin sa view dito sa rooftop. Maganda dito, mataas din ang rooftop na 'to kaya kita mo ang lahat. Napangiti ako, ngayon lang ako naka-relax ng ganito.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now