Chapter Nine: Crush?

27 14 8
                                    

Lauren

Walang klase ngayon at naisipan kong bumili ng ice cream, kaya naglalakad ako ngayon sa shortcut papunta sa convenience store, nang biglang may humarang na mga lalaki sa akin.


"Hello miss," sabi ng isa at naamoy ko ang alak na galing sa bibig niya. 


Mga lasing pa ata, takte.


"Miss anong number mo? Ang ganda mo naman," sabi pa ng isa at ngumiti sa akin. Nandiri ako at lalagpasan na sana sila, nang biglang hinila ng isang lalaki ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko.


"Pwede ba bitiwan mo ako!" sigaw ko, pumalag ako pero ayaw niya pa rin alisin ang kamay niya. Kaya sinipa ko siya at binitawan niya naman ako, kaya tumakbo ako.


"Hoy! Habulin niyo 'yon!" sabi ng sinipa ko, takbo lang ako nang takbo, nang biglang may humila ng buhok ko.


Leche!


"Akala mo makakatakas ka sa'min?!" Sinampal niya ako, napatigil ako. Biglang sumakit ang ulo ko at may naalalang bagay, na dapat hindi alalahanin.


Madilim, madilim ang paligid.


Bugbog sarado ako at may lalaki sa harap ko ngayon.


"Ang ganda mo talaga!" sabi pa ng lalaki.


Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit, bakit ngayon ko pa naalala 'to?


Bakit kung kailan nanganganib ang buhay ko?


Bakit kailangang mangyari ang salahat sa'kin?


Bakit ang sama ng mundo sa'kin?


Naramdaman kong tumulo ang mga luha ko, ayaw ko.


Ayaw kong maulit ang nangyari.


"'Wag, please," umiiyak na sabi ko.


"Aba, wala pa nga kaming ginagawa sa iyo," sabi pa ng isang lalaki habang nakangisi.


"'Wag niyo ako sasaktan, please." Napaiyak ako at napayakap sa tuhod ko. 


Ayoko, ayokong maulit ang nangyari dati.


Matagal ko nang ibinaon 'yon,


Pero bakit naaalala ko na naman?


Napaiyak na lang ako dahil may dumating na isang lalaki at sinuntok ang nasa harap ko.


Salamat kung sino ka man.


"Ano bang trip niyo?!" sigaw niya at hinila ako patayo.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now