Chapter Twenty-Nine: I Remember

26 11 6
                                    

Bea

Nagising ako ng 11:30 am at chineck ko agad si Lauren sa kwarto niya. Napangiti ako dahil tulog pa siya, madalas ay 3 pm na siya nagigising. 

Sabi ng doctor ay dahil daw malala na daw ang sakit niya. Hindi ko mapigilang umiyak tuwing natutulog siya, dahil hindi ko alam kung gigising pa ba siya. Parang gusto ko na lang na tumingin sa kan'ya buong araw, dahil hindi ko nagawa ng maayos ang pagiging ate ko sa kanya.

Napaupo ako sa sofa at umiyak lang doon, ang hirap na makita siyang ganito. Madalas sumasakit ang ulo niya at sobra siyang nasasaktan. 

Pinunasan ko ang luha ko dahil may nag-doorbell. Binuksan ko ang pinto at napangiti ako sa nakita ko.

"Hello, Bea," nakangiting sabi ni mom, niyakap ko siya. Tiningnan ko silang lahat. Sila dad,  mom, Liam, April, at...

"Mabuti naman at nandito na kayo... lalo ka na,"sabi ko at napatingin kay Levi, ngumiti siya at tumango. 

Pinapasok ko na sila sa bahay at pinaupo sa sofa. Ang tahimik namin, pero binasag ni Levi ang katahimikan.

"Nasaan siya?"tanong niya, napangiti ako.

"Mamaya pa siya magigising, hindi na normal ang pagtulog niya. Madalas ay 3 pm na siya nagigising, kahit napakaaga niyang matulog. Ang sabi ng doctor symptoms daw 'yon na m—" Napatigil ako at nanapalunok, napatingin silang lahat sa'kin.

Lahat sila nakatingin sa'kin nang may lungkot, maliban na lang sa isa. Maliban kay Levi, nakita mong halo-halo ang emosyon. May galit, inis, guilt at lungkot.

"Symptoms daw 'yon na m-mamamatay na siya,"sabi ko habang naiyak, napaiyak din sila. 

"Sana pala nag-stay ako sa tabi niya," sabi ni April at napahawak sa noo.

"Hindi sapat ang oras na ito para makabawi sa kanya, para makabawi sa anak ko,"nakangiti ngunit lumuluhang sabi ni dad.

"Matagal ko nang alam ang lahat, pero ang sakit. Ang hirap tanggapin na matutulad siya sa kaibigan ko,"sabi ni mom, hinawakan siya ni dad sa balikat. Ngumiti siya ng pilit.

"Si ate..."sabi ni Liam, 'yon lamang ang nasabi niya dahil iyak siya ng iyak.

"Ang sabi niya, makikita ko pa siyang mag-race. Pero bakit, b-bakit kukunin na siya ni Lord?" Napaiwas ako ng tingin at tumingin sa malayo. 

"Okay lang naman na hindi niya ako makilala o hindi ko siya makita, pero s-sana 'wag siyang kunin ni Lord," umiiyak na sabi niya, hindi ko mapigilan ang mga luha ko.

"A-Ayokong mawala si ate, h-hindi siya mawawala hindi ba?"tanong niya pero walang sumagot. Napaiyak siya.

"Diba?"tanong niya ulit, umiyak siya lalo. 

"Bakit, hindi niyo sinabi sa'kin?"seryosong tanong ni Levi. Walang sumagot sa kaniya.

Dahil ayaw niya, dahil ayaw ni Lauren.

"Edi sana, s-sana niyakap ko pa siya ng matagal. Sana nahalikan ko pa siya ng marami, s-sana nakasama ko pa siya ng matagal,"tulalang sabi ni Levi, lumapit sa kanya si mom at hinawakan sa balikat. Napatingin siya rito at ngumiti si mom sa kanya.

"Iho, ikaw ang inisip niya,"nakangiti ngunit lumuluhang sabi ni mom.

"I-Ikaw ang inisip niya, a-ayaw niyang ipaalam sa'yo. Sobra siyang nasaktan noong nagpakasal ka sa iba, sobra siyang nasaktan noong iwan ka niya,"sabi niya, biglang ngumiti si Levi.

"Oo nga po, pero ang sakit. Ang sakit sakit, huli na ako. Huling huli na ako, papaano kung hindi ko na siya makasama muli? Paano kung hindi siya gumising nga—"Napatigil siya at umiling.

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt