Chapter Nineteen: A Bird?

20 12 7
                                    

Lauren

Nakita ko si Levi, muli ay napangiti siya at tumalikod sa akin.


Susundan ko sana siya pero hinila ako ni Lucas.


Gusto kitang sundan...


"Lauren, dito ka lang please," umiiyak na sabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kaawaan o kainisan. Nakikita ko ang dating ako sa kanya.


Noong panahong mahal ko pa siya.


Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ko na alam. Bigla akong napahawak ako sa ulo dahil ang sakit nito. 


Shit inaatake ako ng sakit ko. Ang sakit, ang sakit sobra! Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang sakit.


"Lauren, okay ka lang?" tanong niya ngunit hindi ko siya pinansin. Napaluhod ako sa sobrang sakit ng aking ulo.


"Ang sakit ng ulo ko!" Napapaiyak na ako sa sobrang sakit, napatingin ako kay Lucas at nahilo ako.


Nagising ako at napahawak ako sa aking ulo. Nahihilo ako.


"Lauren, okay ka lang ba?"Napalingon ako at nakita ko si Lucas.


"Anong nangyari?" tanong ko sa kan'ya, napakunot ang noo niya.


"Nahimatay ka kanina," sabi niya nang mahinahon. Napakunot ang noo ko.


"At bakit naman? Bakit ako nahilo?" tanong ko sa kanya, wala talaga akong ideya. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, bakit?


"Wala, walang dahilan," sabi niya pa, tiningnan ko siya nang may pag-aalinlangan.


Anong nangyayari? Hindi ba't iniwan ko na siya kanina sa kotse? Bakit magkasama na naman kami?


"Lucas, hindi ba't sinabi kong ayaw ko na? Bakit nandito ka—" tanong ko, napatigil ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya.


"At ngayon magkukunyari kang walang alam? Bumalik ka na sa akin, Lauren. Kanina lang, sinabi mo na hindi mo ako iiwan." Napakunot ang noo ko, anong ibig niyang sabihin? Ano ba talagang nangyayari? Nasaan si Levi? Balak ko siyang kausapin pero nahimatay raw ako.


"Lucas, ayaw ko—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin na ako. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko.


Anong nangyari sa kan'ya?


"Ang sabi mo kanina ay hindi mo ako iiwan, kaya panindigan mo iyon." Napaluha lang ako, kailan ko ba iyon sinabi? Hindi ko maalala, ang huli kong naaalala ay noong iniwan ko siya sa loob ng kotse. Pero bakit niya ako sinasaktan?

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Where stories live. Discover now