Chapter Fourteen: She's A Human Too

26 12 4
                                    

Levi

Narinig ko lahat, narinig ko ang lahat ng pinag-usapan nila Lauren. Kaya pala galit na galit siya kay Bea. 


Shit, ang sakit. Ang sakit nang nangyari sa taong mahal ko. Bakit kailangan mangyari 'yon sa kanya? 


Narinig kong nagbubulungan pa rin ang mga estudyante.


"Grabe naman ang nangyari sa kanya," rinig kong sabi ng isa.


"Kawawa siya," sabi pa ng nasa harap ko.


"Wala akong pakialam sa kanya, malandi pa ri-" rinig kong sabi ng isang lalaki, namuo ang galit ko kaya hindi ko siya pinatapos, sinuntok ko siya.


"Leche ka, leche kayong lahat!" sigaw ko at tumingin silang lahat sa'kin.


"Mga walang kayong kwenta!" gigil na sabi ko. Napakagat ako sa labi dahil sa inis, dahil sa sobrang inis ko ay gusto kong umiyak. 


Hindi ako iyakin, pero bakit pagdating sa kanya ay parang kaya ko na atang ibuhos lahat ng luha ko?


Inawat nila ako at napatigil na rin ako. Tiningnan ko silang lahat ng masama. Magbabayad sila, magbabayad silang lahat. 


Pumunta muna ako sa rooftop para magpahangin.


Napatigil ako nang may tumawag sa cellphone ko. Hindi ko tiningnan kung sino at sinagot ko.


"Hello?" tanong ko.


"Levi-" Kilala ko ang boses na 'yon. Hindi ko siya pinatapos at nagsalita ako.


"Clove?" tanong ko nang may halong pait. Isa pa siyang niloko si Lauren. Ngayon pati tuloy ako, hindi na niya pinagkakatiwalaan.


"Si Lauren..." Naiiyak niyang sabi. Napakunot ang noo ko.


"Anong nangyari sa kan'ya?" kinakabahang tanong ko.


"Bro, si Lauren... nag-suicide." Napatigil ako, natawa ako.


Anong...


Bakit...


Bakit naman niya 'yon ginawa?


Hindi, hindi 'to totoo.


"Nang-aasar ka ba-" Hindi niya ako pinatapos.


"Hindi, totoo ang sinasabi ko," rinig kong napapasinghot siya.


Bakit ako maniniwala? Bakit?

The Sinner (Disastrous Love, Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant